Kumaripas ako ng takbo papalabas ng silid ko.
"Ma, Pa, alis muna ako".
Pipigilan pa sana ako ng mga magulang ko pero mabilis ko ng isinara ang pinto.
Nagkita kami ni Rion.
Nakaabang na siya sa akin bago pa man ako nakarating. Hinihingal pa akong lumapit sa kanya. Lumapit pa siya ng konti sakin na halos isang tulak na lang didikit na ako sa kanya. Diritso siyang nakatingin sa mga mata ko. Masaya siya ngayon, nababasa ko sa mga mata niya.Ngumiti siya ng parang walang bukas saka rin ako ngumiti.
"Athea, I love You!".
Mahina niyang bulong sakin. Ngayon ko lang siya narinig magsalita ng english ng mahal kita. Totoo nga ang sabi nila na mas feel mo pag english. Ramdam na ramdam ko ang sincere niyang pagkakasabi.
"I love you! And I meant it".
Niyakap ko siya.
"I love you more!".
Ibinulong ko sa pagkakayakap sa kaniya.
Naramdaman ko rin ang mahigpit niyang pagkakayakap sa katawan ko. Dahan-dahan siyang kumawala sa yakap ko and he presses his forehead on mine. Ramdam ko ang bawat paghinga niya. Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso niya. Ramdam na ramdam ko ang secure niyang pagkakahawak sa kin.
At unti-unti kong naramdaman ang paglapit ng mukha niya sakin at dahan-dahang tinungo ang aking mga labi. He gently pressed his lips on mine. Our body got in contact. We can't help ourselves to cease.Pero sa oras na rin iyon, doon namin tinapos ang 5 taon na pinaglalaban namin. That's how all ends.
BINABASA MO ANG
Kahit Ako'y Pari Na
Fiksi UmumSi Athea ay isang kagalang-galang na guro na nainlove sa isang soon to be priest na si Rion (Rayon). Ngunit tutol ang pamilya ng binata sa pag-ibig nilang dalawa. Kaya, napilitan na lamang siyang magpakalayo-layo pagkatapos itigil ang sa tingin ng i...