I'm preparing to go to school.
Nagpapaalam na ako sa mga magulang ko bago lumabas ng bahay."Oh God!".
I'm surprised sa bumungad sa akin pagbukas ko ng pinto.
May isang pongpong ng bulaklak ang sumalubong agad sa akin.
Bumilis agad ang tibok ng puso ko dahil alam ko kung sino ang mahilig gawin sakin ito."Hi!".
Napawi ang malaking ngiti sa labi ko nang malaman kung sino ang nakatago sa likod ng isang pongpong ng iba't ibang bulaklak.
Si Miguel.
"H-hi!".
Pilit kong di pinapahalata ang disappointment.
"Para sa ano 'to?".Parang nahihiya pa siyang kausapin ako.
"I bought it for you! Gusto ko lang masaya ka sa pagpasok mo sa skwela dahil alam kong kukunot ang noo mo sa mga estudyante".He explained.
Pero di ko pa tinatanggap ang bulaklak niya."Tanggapin mo na anak. Mula sa puso niya iyan".
Boses iyon ni papa sa likod ko. Alam pala nila ang surpresang ito. Ibinalik ko ang tingin mula kina papa at mama pabalik sa taong outstretching his arms para ibigay sakin ang dalang bulaklak."Thank You!".
I accept the flower.
BINABASA MO ANG
Kahit Ako'y Pari Na
General FictionSi Athea ay isang kagalang-galang na guro na nainlove sa isang soon to be priest na si Rion (Rayon). Ngunit tutol ang pamilya ng binata sa pag-ibig nilang dalawa. Kaya, napilitan na lamang siyang magpakalayo-layo pagkatapos itigil ang sa tingin ng i...