Kakalabas ko lang ng bahay at nagbabantay ng bus papuntang school. Nang may dumating na magarang kotse. Bumaba ang isang familiar na mukha sa akin, si ate Myle, ang nakakatandang kapatid ni Rion.
Mataray siyang lumapit sa akin at tumayo ng full of confidence sa harap ko.
"Good morning, ma'am".
Pang-iinsulto niya sa propesyon ko."Andito ako ngayon para ibigay sayo ito".
Inilabas niya sa mahabang mamahaling wallet ang isang envelope. Binuksan niya talaga ito para ipakita sa akin kung gaano kakapal ang pera niya. Pero hindi ko ito pinagtuunan ng pansin. Nagmukha tuloy sayang ang effort niya."Oops!".
Sabay tawa ng akma kong kukunin na sana sa kanya ang envelope.
"Hindi ko alam kung tama bang ibibigay ko pa sayo ito o hindi na, dahil masasaktan ka lang rin naman na makikita ang kapatid ko na pinasusuutan ng puting tela sa ibabaw ng altar. Pero dahil mabait ako ibibigay ko sayo ito".Sabay tapon ng invitation envelope sa harapan ko. Tumaas pa ang kaliwang kilay para sabihin sa akin na pulutin ko. Yumuko naman ako para pulutin.
"Aah!".
Napasigaw ako sa pagkabigla nang biglang may humila sa akin mula sa pointed heels na tatapakan sana ang kamay ko.
"How dare you stamp your heels on her hand?".
Galit na boses ni Miguel habang hawak-hawak ako. Hindi na nakasagot si ate Myle. Nagkatinginan silang dalawa nang masakit. Nagalit siya dahil may pumigil sa ginawa niya kaya padabog siyang pumasok sa kotse niya at humarurot.
BINABASA MO ANG
Kahit Ako'y Pari Na
Художественная прозаSi Athea ay isang kagalang-galang na guro na nainlove sa isang soon to be priest na si Rion (Rayon). Ngunit tutol ang pamilya ng binata sa pag-ibig nilang dalawa. Kaya, napilitan na lamang siyang magpakalayo-layo pagkatapos itigil ang sa tingin ng i...