Ilang araw kung pinag-isipan ang mga narinig ko mula kay Miguel. Hindi ko inasahan na ipagtatapat niya iyon sa akin at sa mga magulang ko.
Nais kong sabihin ito kay Rion pero naiisip ko na kailangan ko pa itong pag-isipan pa ng ilang araw. Ngunit ang ordination niya ay sa susunod na linggo na, lalo akong di mapakali habang ang oras at araw ay lumilipas.
"Athea...".
Bigla kong narinig ang boses ni Rion sa likod ko. Napatigil ako bago hinarap siya ng dahan-dahan.
Nang makita ko siya, ang puso ko'y lumundag sa tuwa. Gusto ko siyang lapitan at yakapin dahil namiss ko siya ng sobra. Sobrang sobra. Ngunit di ako nagpadala sa emosyon ko. Pinigilan ko ang sarili upang di siya lalong maguluhan at mahirapan kung sakaling buo na ang desisyon niya.
BINABASA MO ANG
Kahit Ako'y Pari Na
General FictionSi Athea ay isang kagalang-galang na guro na nainlove sa isang soon to be priest na si Rion (Rayon). Ngunit tutol ang pamilya ng binata sa pag-ibig nilang dalawa. Kaya, napilitan na lamang siyang magpakalayo-layo pagkatapos itigil ang sa tingin ng i...