Nang magising si Kevin at naging okay na ang lahat ay lumabas na rin kami. Rion is acting like a father to him habang wala si Miguel. Tinawagan ko na rin si Miguel kung ano ang nangyari at okay na si Kevin. Sabi niya next day pa raw alis niya doon. Gustuhin niya ring umuwi nang maaga, hindi pwede dahil malaking transaction daw ito kaya wala akong nagawa.
Okay lang naman sa akin na wala siya dahil okay na rin si Kevin at...
nandito naman si Rion para salilihan ang obligasyon niya kay Kevin."Kevin, paalam na. Uuwi na ako, magpagaling ka pa ha. Wag makulit sa mommy mo, okay?".
Kaway niya kay Kevin.Mayamaya'y bigla niyang ibinaling sakin ang tingin.
"Athea..".
"Mm?".
Mabilis kong tugon.Ngayon ko lang uli narinig ang pangalan ko sa iba. Ngayon ko lang uli narinig ang pangalan ko sa kanya. Ngayon ko lang uli nadarama ang sigaw ng puso ko na para sa kanya.
"Athea...".
Pag-uulit niya.
"Ingatan mo sarili mo. Huwag masyadong magpapagod. Tawagan mo lang ako anytime pag kailangan mo ako".He said calmy. Sumisigaw ang puso ko sa mga narinig ko. Ngayon ko lang uli naramdaman ang pag-aalala sa akin. Pakiramdam ko bumalik ako sa dati. Sa dating kami pa, sa dating malaya pa kami at sa dating mahal na mahal namin ang isa't isa.
Medyo namula yata ang pisngi kong kaharap siya.
"S-salamat! Ikaw rin mag-ingat ka!".
He smiled back at me bago dahan-dahang tumalikod.
BINABASA MO ANG
Kahit Ako'y Pari Na
General FictionSi Athea ay isang kagalang-galang na guro na nainlove sa isang soon to be priest na si Rion (Rayon). Ngunit tutol ang pamilya ng binata sa pag-ibig nilang dalawa. Kaya, napilitan na lamang siyang magpakalayo-layo pagkatapos itigil ang sa tingin ng i...