Dumating na ang araw.
Araw ng pinakahihintay ng pamilya ni Rion.
Ready na ang lahat. Dumating na ang lahat ng inaasahang bisita. Masaya ang lahat. Excited na ang parents ni Rion para sa event.
Nakumpuni nang maayos ang simbahan. Handa na rin ang mga paring dumalo at magsasagawa ng ordination ni Rion.Pero si Rion hindi pa rin nakababa sa kwarto niya. Nakaharap siya sa salamin malapit sa bukas na bintana.
"Ito na. Ito na yun ang dating ginuguhit at iniimagine ko lang. Hindi na kathang-isip ang lahat, hindi na biro, hindi na puro pangarap lang kundi ToToo na!".
Napatingin sa labas ng bintana si Rion. Napatanaw siya sa mabughaw na langit. Nakikita niya ang isang eroplanong mabagal dumadaan sa mga mapuputing ulap.
Napabuntong hininga siya bago nagsalita."Athea, salamat!".
Ang nasambit niya bago pa may kumatok para tawagin siya na magsisimula na.
TING! TING!
Ang huni ng kampana sa simbahan. Hudyat na magsisimula na ang ordinasyon.
BINABASA MO ANG
Kahit Ako'y Pari Na
Ficção GeralSi Athea ay isang kagalang-galang na guro na nainlove sa isang soon to be priest na si Rion (Rayon). Ngunit tutol ang pamilya ng binata sa pag-ibig nilang dalawa. Kaya, napilitan na lamang siyang magpakalayo-layo pagkatapos itigil ang sa tingin ng i...