16

115 4 0
                                    

Binabasa ko ngayon ang invitation card para sa ordination ni Rion ngayong linggo.
Malapit na.

May nalaglag na isang maliit na papel mula sa loob ng envelope kung saan nakapaloob ang invitation card.

Pinulot ko ito at binasa.

Athea,
       Ngumiti ka muna bago mo pa basahin ang sumusunod na talata.
Dahil alam kong hindi ka ngingiti. Dahil alam kong imbes na ngingiti ka, luha ang malalaglag.

A. T. H. E. A. ang pangalan ng babaeng nakita ko sa simbahan. Hinahanaphanap ko tuwing linggo dahil alam kong siya'y magsisimba. Siya ang babaeng sinundan ko hanggang bahay nila malaman lang ang pangalan niya at makuha cellphone number niya. Siya ang dahilan na naranasan kong matulog sa sahig ng walang kutson. (Minsan kasing natulog si Rion sa bahay nila Athea). Siya ang unang nagpaiyak sakin. Siya ang nagturo sakin na gumawa ng mga gawaing bahay. At higit sa lahat siya ang una kong minahal.... Siya si Athea na mamahalin ko parin kahit ako'y pari na. Mamahalin ko parin kahit di na pwede pa. Pinapanalangin ko pa rin na sana maging masaya siya. Dahil alam kong may plano ang Diyos para sa aming dalawa, kung ano man iyon, alam kong para sa amin yun dalawa.

Athea, mahal kita!
 
Rion

Kahit Ako'y Pari NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon