VALERIE's POV
"Aahhh.." mahinang daing ko at halos pabagsak akong napabalik ng upo sa kama ko habang sapo ang dibdib kong sumasakit na naman. Halos walang lakas kong kinapa ang drawer sa tabi ng kama ko at kinuha ang isang bote doon at kumuha ng isang tableta at mabilis iyong ipinasok sa bibig ko. Agad akong uminom ng tubig at napapikit nalang nang hindi pa rin humuhupa ang sakit sa dibdib ko.
It's like fighting against someone bigger and stronger. Nakakapanghina at nakakalungkot. I let out a loud sigh when I felt the pain slowly fading at nang may kainaman nalang ang sakit ay nagtungo na ako sa banyo tsaka naligo. Araw-araw nalang ba?
Nang makarating ako sa hospital ay halos sambahin ako nang lahat. A month already passed after dad disjunct the board members at iba na ngayon ay tumatayong mga board members ng Samaniego Chains of Hospitals. Kung dati ay bulong-bulungan ang mga naririnig ko sa tuwing dumadaan ako sa mga workers ng hospital, ngayon ay mga bati na at compliments. Mga balimbing.
"Valerie? You're early." Napatingin ako sa nagsalita at napangiti nang makita ko si Mr. Hilton, a new board member.
"I have work to finish, Sir." I politely answered.
"Overworking is never good for the body. Late ka pang umuwi kagabi." Kumento niya habang sinasabayan ako sa paglalakad. I'm really greatful because dad chose understanding new members. Mas magaan ang loob ko sa kanila kaysa sa mga former board members.
"It's my duty, sir. Plus, I still have to prove my worth." Nakangiti ko pang sabi. I've been working my ass off the whole month. Ayaw kong makitaan nila ako ng kahinaan. Ayaw kong respetuhin lang nila ako dahil sa ama ko ang naglulok sa kanila sa kinalalagyan nila ngayon.
Nagpaalam na ako kay Mr. Hilton nang makarating na ako sa harap ng opisina ko. Naabutan ko si Sitti sa loob na busy sa laptop niya.
"Goodmorning!" Bati ko sa kanya. Agad naman siyang tumingin sa akin at isang malawak na ngiti ang sumilay sa mga labi niya ng makita ako.
"You're here!! Anjan na ang daily doze of sweetness mo, personally delivered by Mr. Trinidad, this time." Napatingin ako sa itinuro ni Sitti. It was a boquet of light crimson rose. Maliit lang ito mumpara sa normal na boquets and that makes it prettier. Napupuno na ang unit ko ng mga bulaklak. Kung ibebenta ko ang mga yun, kasama ito ay paniguradong libu-libong salapi ang kikitain ko. I smiled because of the thought, kung ako kikita, paniguradong namumulubi na ang damuhong walang sawang nagbibigay nito.
"Why was it personally delivered this time?" I curiously asked. Kadalasan kasi ay pinapa-deliver niya lang ito o hindi kaya ay pinapa-deliver sa isa sa mga staff. May isang beses nga na si Mr. Natividad, a new board member and pinaabot niya, eh. And that was embarrassing like hell!
"8 am pa raw ang trial niya kaya idinaan niya rito, sadly, ngayon ka lang, nagkasalisi lang kaya kayo." Tinaasan ko siya ng kilay. Ano naman ang pinupunto niya sa tono ng pananalita niya? Ano naman ngayon? Sinabi ko ba sa kanya na bigyan ako nito?
"Sa susunod, sabihan mo siyang wag nang mag-aksaya pa ng pera." Inilagay ko ang boquet sa vase sa gilig ng mesa ko. Dayang din naman at maganda naman ang bulaklak na ito.
"Mahirap pigilin ang pusong pursigido, Val." Napalingon ako kay Sitti dahil sa sinabi niya. May kung ano talaga sa tono niya eh! It's frustrating!
Akmang magsasalita na sana ako nang biglang may kumatok sa pinto. Agad naman iyong binuksan ni Sitti at bumungad sa amin si Mrs. Sandoval, isa sa mga bagong board members. Medyo gumapang ang kaba sa dibdib ko nang makita siya. So far, siya iyong hindi ko masyadong nakakasalamuha dahil masyado siyang ilap sa tao, focus na focus sa trabaho at istrikta rin kasi siya.