VALERIE's POV
After the wedding, diretso na kami sa reception. Devon was extra careful with me, I know it's not just because of our baby but also because of me.
I can't help but just to smile whenever he looks my way. Ewan ko ba, mas lalo ata akong na-inlove sa lalaking 'to.
The reception was so much fun. Athan was making us all have fun. Ang dami nilang kalokohan ni Andrei na blooming na blooming gaya ng asawa niyang si Mara.
"Okay.. let's ask someone from the crowd!! Sino ba? Aah!! Ito, ito!!" Mabilis na nilapitan nina Athan at Andrei si Tres na tahimik lang katabi si Aire. Kanina pa yan sila nangungulit sa mga guests. They've been playing the 'what is-'game. It's actually cute, ang ganda ng mga sagot ng mga natatanong nila. Their questions will start with 'what is' tapos iba-iba ang kasunod nun.
"Okay, kuya Tres, we are asking questions, you are the next victim." Excited na tumango naman si Tres tsaka tumayo paharap sa aming lahat.
"Rock on."
"He's really weird." Natatawang sabi ni Devon kaya natawa na rin ako. He's right. Ang weird din talaga ni Tres, hindi mawala ang ngiti sa labi eh. Alam naman niyang kabaliwan lang ang ginagawa nina Andrei at Athan, g na g pa talaga siya.
"Okay, so, what is your definition of love?" Napatitig kaming lahat sa kanilang tatlo, hinihintay ang sagot ni Tres. Love.. may exact definition ba ang love,
Napatingin ako kay Tres when he suddenly laughed. "Let me see, hmm, it's nature's way of tricking people into reproducing." Natawa naman kaming lahat dahil sa sinabi niya. What the fvck?!
"That one is hilarious!" Tawang-tawa si Devon sa tabi ko. Ibagsak ko kaya siya sa sahig?
"Come on! be serious!" Nakangusong sabi na ni Athan na mukhang magta-tantrums na. Hahahaha, cute.
"Hmm, let me think, ah! reason why people kill thenselves" I saw Athan glared at Tres who's now laughing together with the crowd. Baliw.
"Do you wanna know the reason why you're single?"
Tres smiled regretfully, "oh, I know why I'm single." Tsaka siya umupo na.
"Love is when you give someone the power to destroy you, and you trust them not to do it." Napalingon kaming lahat sa nagsalita. It was Yana, unexpectedly. She was busy eating umm.. rib sticks? Yeah, rib sticks kaya natuon sa kanya ang lahat ng atensyon namin. Katabi niya ang tahimik lang na si Timothy na ngayon ay titig na titig na sa pinsan ko. Okay? Anong nangyayari?
"Oooohhhh!!" Sabi pa ng dalawag baliw na may hawak ng mic.
"Ikaw, Tim? How do you define Love?" Si Andrei naman ang nagsalita. Humalukipkip si Tim bago tinignan si Yana na busy pa rin sa pagkain. Hindi man lang niya binalingan ng tingin si Tim. Nag-away ba sila?
"Love is when you have a really amazing piece of cake, and it's the very last piece, but you let her have it." Napa-aww kaming lahat dahil sa sinabi yun ni Tim. Ang sweet nga naman. Kasi diba? Cakes are everything tapos hahayaan mo nalang na mapunta yun sa ibang tao dahil mahal mo siya. Awwwiiieehh! Ang sweet naman.
"But I hate cakes.." bulong ni Yana pero rinig na rinig ko pa rin. Nawala ang tuwa ko sa sweetness ni Timothy at napalitan iyon ng pagkabahala. Napatingin naman ako kay Devon nang pisilin niya ang kamay ko.
"Hayaan mo na muna ang pinsan mo." Nakangiting tumango ako tsaka humilig kay Devon. A sweet music started playing, Baby, I love you, yun ang title nun, I personally love this song because it speaks the words I couldn't tell Devon, before...