VALERIE's POV
"I'm glad that you came, sweetheart. Akala ko ay hindi mo rin ako sisiputin gaya ng bato mo na atang kapatid." Kaharap ko ngayon si daddy. Nagtatanghalian kami sa mansyon namin dito sa subdivision nila nina tito. He texted me earlier that he wants to have lunch with me, I was about to call him and tell him that I have things to do when I received another message.
From: Daddy Sungit
I'll illegally trespass your unit and who knows what will happen if you won't come.Wala na rin akong nagawa kundi ang siputin siya. Saan pa ba magmamana ang magaling kong kapatid sa kademonyohan niya? Syempre, from the best. My dad is one of the most frightening man in his youth according to my uncles, wala raw'ng pinapalampas si dad na mga nangangahas na tumarantado sa kanya. Their words, not mine. Then, my mom came and tame the beast, according to them, pati sa mga tita namin na cold raw si mommy. Lagi raw nun binabangasan si dad and dad hated that fact. Tapos sabi pa nila na kaibigan raw nilang lahat si mommy tapos ngumingiti raw sa kanila but when it comes to dad, ini-gnore lang daw. Hindi ini-entertain tuwing nagsasalita and dad hated it more which turned out na may gusto na pala sila sa isa't isa kaya heto, alive and kicking na kami. Kaya naman hindi na talaga ako nagtataka kung bakit ganun si Aire minsan, pinaghalong daddy barumbado and mommy malamig eh.
"Hayaan mo muna si kuya, dad. He's just mourning because Fely left him." Dad is aware of everything that has been happening to our lives. Kahit sina tito, alam nila. Akala ng mga pinsan ko na wala silang alam but no, when Guia came back and bought Comet with her, pinili naming magpipinsan na itago muna iyon mula sa mga magulang namin dahil masyado na silang matatanda para ma-stress. Hihihi, matatanda naman na talaga sila eh. Pero, isang araw, nangyari nalang eh, tinanong nalang ako ni tita Cassy if kailan raw ba ipapakilala ni Zander ang mag-ina niya. Alam pala nila lahat, nagmamatyag lang sila, naghihintay lang sila na kami na mismo ang magsabi ng mga problema namin.
"I understand. Masyado niyang mahal ang babaeng yun." Napangiti ako dahil sa sinabi ni dad. Tama naman siya. Masyadong mahal ni Aire si Fely and that's a good thing, I think? Atleast alam ko na capable pang magmahal ng lubos ang kakambal ko.
"That's love, I guess?" Nakangiti kong sabi sabay subo ng salad. When mom died, para rin kaming pinatay nun. Aire and I woke up with our mother lying lifeless between the two of us. Iyak lang ako ng iyak nun habang hinihila ako ni Aire patayo. When she died, dad almost died as well, halos hindi namin siya makausap, I know how much he loves mom, saksi kami dun and it broke him but then, one day, lumabas siya sa opisina niya na magaan na ang awra. He looked... okay.. he seemed.. okay.. ngumingiti na siya, hinahatid niya rin kami sa school and even when Aire rebelled naging cool lang siya. He let my brother be dahil alam niyang babalik pa rin yun sa amin. Akala ko tuluyan na niyang nakalimutan si mommy dahil hindi na siya nasasaktan. I was so angry at him because I thought he didn't love mom as much as we did pero dun ako nagkamali. Nalaman ko mula kay tito Anthony na hiniling pala ni mommy kay daddy na magpatuloy sa buhay. To keep on living for the both of them. Kaya nakaya ni dad.. para sa amin ni kuya. And I believe that that's real love. Yung kaya mong tanggapin kahit na masakit.. kahit na nawala na ay mahal mo pa rin.
"Kayo ba ni Devon? Kamusta na?" Natigilan ako sa tanong ni dad. Napatingin rin ako sa kanya pero nasa pagkain niya lang ang atensyon niya. Parang wala lang sa kanya ang tanong na iyon eh ang laki ng impact sa akin.
"We're fine? Makaibigan naman kami." Civil naman kasi kami ng demonyong yun. Kahit pa sabihing kulang nalang ay ipa-tokhang ko siya ay okay naman kami. That's our okay, yun lang ang paraan para matagalan namin ang isa't isa na hindi binabalikan ang malungkot na nakaraan.. or my way, I guess?
"I don't know if I should be proud of you or what, Val." Napatingin ulit ako kay daddy and this time, nakatingin na rin siya sa akin. Hindi katulad ng parati niyang tingin ay may kakaiba sa tinging pinupukol niya sa akin ngayon.. hindi ko lang mawari kung ano.