VALERIE's POV
I'M SLEEPY. Ilang araw na akong halos walang ginawa kundi ang matulog lang. Parang araw-araw pagod ang katawan ko. I just wanna sleep.
"Huwag mo akong tulugan, Valerie." napa-ayos ako ng upo nang biglang magsalita si Sitti. Kasi naman eh. Nasa loob kami ngayon ng office ko kung saan ay kinakausap niya ako tungkol sa amin ni Devon. Yep, tsismosa si Sitti.
"Inaantok ako." Nakangusong pag-amin ko.
"Tiisin mo. So, kayo na nga, officially?" Nasabi ko kasi sa kanya ang kabaliwan ko nung sa sementeryo kami ni Devon.
"Yeah. Sitti, pwede pabili ng apple pie?" Kunot-noo niya naman akong tinignan kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Apple pie in the morning? Carbs? Alright! Ano pa ba?" Napaisip ako sa tanong niya. Ano pa nga ba ang gusto kong kainin?
Hmm... I want something soft, tapos matamis... malinamnam... na cake...
"Gusto ko ng matamis na cake.." wala sa sarili kong sabi.
"Easy, matamis lahat ng cak--"
"Pero gusto ko malinamnam siya. Something na malambot? Sticky? Hmmm.. maghanap ka nga.." nag-iisip pa rin ako kung ano yun. Geeze, I want to eat 'that' thing so bad but I couldn't name it..
Nagtatakang tinignan naman ako ni Sitti na para bang nababaliw na ako sa paningin niya. Fine, I think I'm turning into a crazy fella too! I can't understand my beautiful self!
"Ang wierd mo. Ayos ka lang ba?"
"Yes." Nakangisi kong sabi. Nakita kong napa-iling si Sitti bago siya nagpa-alam na aalis na para bumili ng apple cak.e. at maghanap ng 'alien something' ko raw sabi ni Sitti.
Nang maka-alis siya ay natagpuan ko na naman ang sarili ko na mababaliw na sa boredom kaya ang ginawa ko, lumabas ako ng opisina tsaka nagsagawa ng sudden rounds. I know, nababaliw na ako. Kasi naman, theses past few days, I've been acting up, ang bilis kong ma-bored.
Napunta ako sa ward kung saan mga matatanda ang naroon, hindi ko alam kung sinadya ba na pagsama-samahin silang lahat or nagkataon lang talaga. Hihihihi, para tuloy silang nasa home for the aged tapos nagchi-chismisan pa silang lahat.
"Masasapak ko talaga yung nakabuntis sa apo ko, 21 anyos pa lang eh nabuntis na! Hindi pa nga nakakapagtapos ng kolehiyo ay lumandi na!" Napangiwi ako nang marinig ko ang sinabi nung isang lola na namumula na sa galit sa isang tabi. Kausap niya yung dalawa pang lola na game na game sa chismisan nila. Sigurado ako na bores na rin sila dito.
"Yung apo ko nga rin eh, nakabuntis raw! Aba, kaka-graduate pa nga lang niya tapos naka-buntis agad! Masisipa ko talaga ang lalaking yun pag nakita ko siya, binuntis pa talaga agad!" I sneered. They're funny. Problema sa mga apo talaga ang pinag-uusalan nila. Sayang kasi maagang namatay sina Grandma at Grandpa, for sure kakastiguhin rin nila ang mga pinsan ko dahil sa kalandian nila. Especially Maurice, hihihi, 23 pa kaya siya nung nabuntis niya si Heidi, well, same as Ashton, lalo na siguro si Zander dahil 20 pa siya nung nabuntis niya si Guia kay Comet, I could only imagine they reactions... hays.. buhay nga naman.
"Oh, diba, nars iyong apo mo, Ibeng? Sino ba iyong nabuntis niya?" The other lola asked curiously, nacu-curious talaga ako sa chikahan nila, promise.
"Iyong gerlpren raw na narsing student rin. Ewan! Itatakwil ko talaga iyong batang iyon." Napatawa nalang ako and because of that, napatingin silang tatlo sa akin. Nanlalaking mata naman akong napatingin sa kanila na ngayon ay seryoso lang na nakatingin sa akin.
"Aba, nakikinig ka ba sa usapan namin, ineng?" Hilaw akong napangiti nang wala akong makitang biro sa boses nung lola na tinawag na Ibeng. Sino ba naman kasing hindi makikinig eh ang lalakas ng boses nilang tatlo, kahit nga siguro sa kabilang ward eh rinig na rinig.