23 - A new beginning ~

480 5 0
                                    

DEVON's POV

One of the most painful thing is watching the love of your life suffering from a pain you can't take away. Seeing that person experience the worse pain ever. Never did I ever felt this hopeless. Kasi alam kong wala na akong magagawa. All I can do is to be there with her, let her feel my presence, assure her that I will never leave her side.

"Maaari niyo nang ilagay ang mga bulaklak." Napuno ng hikbi ang buong sementeryo. Para bang kahit na ang mga patay ay nakikiramay sa amin. Kasi nawalan kami. I looked at my wife, Valerie, who is now silently crying as she watch our son being put to his new home. She looks tired, mugto ang mga mata but those eyes are still the most beautiful pair of eyes I have ever looked in to. Hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin siya. Agad ko namang naramdaman ang pagyakap niya sa akin pabalik.

"Atleast he is not suffering." I heard her say kaya napatingin ako sa kanya, only to find out that she is also looking up to me.

"I love you, Val." I said as I caress her cheeks.

"As I love you, Dev." Napangiti ako tsaka ibinalik ang paningin sa libingan ni Devin. Kaunti lang ang nandito. Relatives and close friends lang. Napatingin naman ako kay Aire na ngayon ay karga si Daven na tulog na tulog. Kanina ay ako ang may karga sa kanya pero kinuha muna siya ni Aire lalo na nung makita niyang kailangan ako ni Val ngayon.

I'm lucky to have a family that my wife have.
"Mauuna na kami sa mansyon, kuya." Tinanguan ko lang si Guia nang magpa-alam siya na aalis na. Sa malaking mansyon ang punta namin dahil may kaunting salu-salo na inihanda si dad para kay Devin.

"Sunod na lang kayo. Mukhang uulan pa. Wag kayong masyadong magtagal." Nginitian ko lang si Aire na ngayon ay nakatingin lang kay Val. Alam ko kung gaano niya kagustong manatili sa tabi ni Val pero hindi niya iyon ginawa dahil sabi niya pa ay papel ko yun bilang asawa ni Val. Sapat na raw yung nandiyan lang siya.
"Salamat." Tumango lang siya bago tumalikod. Nang maka-alis na silang lahat ay saka ko pa nilapitan si Val na ngayon ay naka-upo sa isang carpet habang karga si Daven. Marahan akong umupo sa tabi niya tsaka nilaro-laro ang kamay ni Daven.

"Hi, baby.." I said as I play with Daven.

"You named him Daven." Napalingon naman ako kay Val dahil sa sinabi niya.

"Yes. He is Daven." I pinched my son's cheek.

"He looks like you when you were a baby." Rinig kong sabi ni Val habang nakatingin sa akin. Natatawang pinisil ko ang pisngi niya dahil parang nagtatampo pa siya dahil dun.

"Don't pinch me. Naiinis ako." Nakangusong sabi niya pa kaya natawa nalang ako at napayakap sa kanya. God, I love this woman.

"Look at mommy, Devin oh, nagseselos kasi kamukha ko raw si Daven." Natatawang saad ko, hindi pa rin tinatanggal ang tingin mula sa asawa kong namumula na.

"Yah! Wag mo nga akong sinisiraan sa mga anak natin!" Suway ni Val kaya inakbayan ko nalang siya. Agad naman niyang isiniksik ang sarili niya sa akin habang nilaro-laro ang kamay ni Daven.

HALOS dalawang oras rin kaming nanatili ni Val sa sementeryo hanggang sa nagpasya na kaming umuwi. Mukhang uulan na talaga dahil ang dilim na ng langit kahit 4:30 pm pa lang naman. Kaya kahit wala pang ulan ay pinayungan ko na ang mag-ina ko habang papunta kami sa kotse ko.

Maayos kaming nakarating sa mansyon. Umuulan na kaya naman ay ginabi na kami. It's already 7 pm, dahan-dahan lang kasi ang ginawa kong pagmamaneho.

"San kayo nanggaling? Ginabi tuloy kayo!" Salubong ni Ashton sa amin ni Val habang karga si Shan na kumakain pa ng chicen drumstick.

"Umulan kasi." Val stated kaya napabuntong hininga nalang si Ashton tsaka nagpunta kung saan.

Naabutan namin ang iba sa sala. Kanya-kanyang hilera sa mga upuan habang kumakain ng ice cream ata maliban lang sa mga bata. Heirice was busy eating chicken, ganun din si Ashi na nakakamanghang hindi tulog sa mga oras na ito.

Samaniego Side Story 1: My ValerieWhere stories live. Discover now