7 - For you~

511 8 0
                                    

VALERIE's POV

Naiwan ako sa loob ng hospital room ni Comet kasama sina Guia, Zander, Andrei, Mara, Yana, Athan, Yuan, Ara, Aire and Devon. Umalis na muna kasi ang iba dahil may mga anak sila at walang magbabantay. Pati sina daddy ay umalis na rin muna. After 5 months, ibinalik ulit si Comet sa hospital. Akala naming lahat ay nawala na ang sakit niya pero nandun pa rin pala. It's scary, nakakatakot dahil lumalala na siya. Napatingin ako kay Guia na ngayon ay natigil na sa pag-iyak. Kakabalik lang rin niya dahil sa Vincent na yun. That guy, I know him. Siya ang may kasalanan kung bakit nagdusa ang kakambal ko sa loob ng napakahabang panahon.

Nabulabog ang nakakabinging katahimikan na namayani sa aming lahat kanina ng biglang may mag-ring na cellphone. Napatingin ako sa mga kasama ko upang malaman kung sino ang nagmamay-ari nun nang magsalita ang kakambal ko.

"I fvcking told you to never call me, you fvcker." Sabi niya pa kaya napatingin ako sa gawi niya. My brother is really something, he can inflict fear in someone with just a stare, natigilan tuloy sina Athan at Andrei.

"Whatever. I'm coming." sabi pa niya bago ibinaba ang tawag. Then he looked at us bago tuluyan ng lumabas ng kwarto ni Comet. Must be something important.

Akala ko ay mananatili ang katahimikan pero nagkamali ako dahil ibinuka ni Andrei ang bibig niya. Hindi talaga niya kayang manatiling tahimik nalang eh, no?

"Did you ever wonder what's going on in kuya Aire's mind?" Tanong niya pa habang kinakamot ang batok niya. At bakit naman niya iyon natanong?

"He's probably thinking of ways to kill you and Athan now without anyone noticing." Yuan answered in a monotonous tone making it more scary. Napangisi nalang ako dahil obvious namang tinatakot niya lang ang mga baliw.

"H-Hindi naman siguro." Athan said in a nervous voice kaya nailing nalang ako. Nagpapaniwala pa talaga sila kay Yuan eh alam naman nilang puro kalokohan rin ang isang yan.

May idadagdag pa sana si Yuan nang biglang bumukas ang pinto. Napunta dun ang atensyon ko at nakita ko ang mukha ng kapatid ko.

"Kayong dalawang ugok, lumabas nga muna kayo." Aire said as he close the door again leaving Athan and Andrei with a worried look. Nanlalaki pa ang mga mata ni Athan habang nakatingin sa namumutla nang si Andrei. Yan kasi.

"Sunod na. Naka-isip na yan." Yuan teased our cousins kaya natawa nalang talaga ako. Walangyang Yuan.

"Y-You're all probably right. SAVE US!" Athan said as Andrei pulled him outside to follw Aire. Parang ewan talaga ang dalawang lalaking yun. Takot kay Aire tapos ang lakas naman ng loob na pag-usapan pag nakatalikod.

"Mauuna na ako. Kailangan na kasi ako ni mama sa bahay." Napatingin ako kay Ara. She's pretty, ano kayang nakita ng babaeng 'to at pinatulan ang panget na si Yuan?

"Sige. Thank you, Ara." Ngumiti rin si Ara sa akin.

"I'll take you ho-"

"Stay here. Mas kailangan ka dito." Mukhang may nangyari ata. Hays, sana naman maayos nila ang mga gusot nila.

"Matulog ka na muna, Guia. Masama sa buntis ang puyat." I stated tsaka nilapitan sina Mara at Yana para ayusin ang mga kumot nila. Itong mga 'to rin, mga tulog mantika. Hays.

"Ayos lang ako." Tinaasan ko ng kilay si Guia. I know she's just worried about Comet pero hindi niya pwedeng pabayaan ang sarili niya dahil may bata na sa sinapupunan niya.

"You are. But how about your baby? He's still weak, Guia. Baka mapasama kayo pag di ka nagpahinga." Ani ko sa kanya tsaka inabutan ng kumot si Yuan na agad naman niyang tinanggap. God, I'm sleepy.

Samaniego Side Story 1: My ValerieWhere stories live. Discover now