DEVON's POV
DALAWANG ARAW na ang nakalilipas mula nang maipanganak ni Valerie ang kambal namin. Since then, hindi pa rin siya gumigising...
"Kumain ka na muna, Kuya Dev." Napalingon ako kay Yana na siyang may sabi nun. Tinanguhan ko lng sya tsaka hinawakan ang kamay ni Val na tulog pa rin. The others went home, si Yana lang at yung boyfriend niya ang kasama ko dito.
"Sabi nga pala ng doctor kanina, pwede mo na raw dalawin sina Devin and Daven." Nakangiting sabi pa niya kaya parang nabuhayan naman ang loob ko. Pinagbawalan kasi kaming makita sila nitong mga nakaraang araw. Kailangan pa rin kasing i-observe ang mga bata.
I hope they're fine..
"Kuya Dev.." nilingon ko si Yana ng marinig ko ang tono ng boses niya. She sounded tired.. yun lang.. pagod..
"Hmm?" I answered.
"Magiging okay lang sila." I smiled when I heard what she had to say. Sincerity is visible in her voice kaya marahan kong tinapik ang balikat niya. Kumain na rin ako para hindi ako magkasakit. I need to be healthy for my family. Ayaw kong magising si Val na may sakit ako. Takot ko lang talaga.
AN HOUR after eating lunch with Yana, nagpasya akong puntahan ang kambal. Dumating rin kasi si Ashton at Siara at sinamahan na muna nila sina Yana na bantayan si Val.
"Good afternoon, sir. Ano pong maitutulong ko sa inyo?" Kumunot ang noo ko sa tanong ng nurse ng makapasok ako tanggapan ng Nursery Intensive Care Unit (NICU). Gvguhan lang? Malamang dadalaw sa baby.
"Ano ang ibang ginagawa dito?" Inis kong tanong tsaka siya nilampasan. Ganitong hindi maganda ang lagay ng buhay ko ay wag akong ginagvgo.
"A-Ah, eh.. s-sir.. ano pong kailangan ninyo?" Tanong niya ulit kaya inis ko siyang hinarap. Nag-iinit talaga ang ulo ko, jusko, patawad.
"I'm here to visit my babies. Where can I see them?" Seryosong tanong ko sa kanya habang tinitignan ang paligid. I'm looking for the watch room. Noong nanganak kasi si Guia kay Comet at dinalaw namin ay may malaking salamin yun na makikita ang loob. Bakit walang watch room dito? Tsk. Pambihirang hospital naman, oh? Gvgo, ang hospital na ito ay pagmamay-ari ng asawa mo.
I sighed.. I want to see my babies..
"G-Ganun po b-ba.. a-ano po ang pangalan ng mga anak ninyo?" Tanong niya ulit habang nakatayo sa harapan ko. I sighed before answering her. Relax, Devon.
"Daven and Devin Trinidad." Sagot ko lang sa kanya. Agad naman siyang naglakad papasok sa isang kwarto at may kinausap doon. Ilang sandali pa ay may kasama na siyang palabas pabalik sa harapan ko. It was a female doctor at hula ko ay ka-edad ko ang ang isang 'to.
"Good afternoon, Mr. Trinidad. Dito po muna tayo." Iginaya ako ng babae papunta sa isang kwarto. Pumasok kami dun at bumungad sa akin ang napakaraming naka-plastic seal na mga green na hospital gowns, caps, masks, atsaka mga puting rubber type shoes. Ang dami, grabe. Naka-pastic seal pa lahat.
"Isuot po muna ninyo ang mga ito, kailangan kasing maging maingat dahil mga babies pa ang nasa loob ng nursery, fragile pa sila when it comes to bacteria. Pagkatapos niyo pong isuot ang mga iyan ay sumunod po kayo sa akin." Tinanguan ko lang siya tsaka mabilis na isinuot ang mga iniabot niya sa akin. Tapos ay mabilis akong lumabas tsaka siya sinundan.
"Alcohol yan. Hugasan po muna ninyo ang mga kamay ninyo bago kayo pumasok sa loob." Mabilis kong ginawa ang sinabi niya tsaka masinsinang hinugasan ang kamay ko gamit ang alcohol. Pambihira, ang dami namang alcohol 'to? Isang tangke, ba?
"Dito po tayo, sir." Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko ng makita kong binuksan niya ang isang pinto. May mga babies sa loob nun at may isa silang pagkakapareho, lahat sila... nakapaloob sa isang incubator..
"These are your babies, Mr. Trinidad. Heto po ang first child ninyo, habang ito naman po ang pangalawa." Naluluhang nakatitig lang ako aa dalawang maliliit na tao na nasa harapan ko. They were sleeping soundly. Ang cute nilang tignan. Ang liliit pa nila!! Ang cute!! Parang tangang nagpipigil luha ako habang nilalaro ang daliri ni Daven na tulog pa rin. His hands feels so soft. Naibaling ko kay Devin ang paningin ko at ganun nalang ang panululumo ko ng makita ko ang tubong naka-konekta sa kanya. Unlike Daven who is not.. b-bakit may t-tubo ka pa.. anak?