VALERIE's POV
ONE MONTH. ISANG BUWAN. 31 DAYS. Isang buong buwan na akong hindi mapakali dahil sa demonyo na nasa paligid ko.
"Kamusta na si Comet?" I asked Zander when I saw him exited Comet's room. Sadly, Comet has brain tumor. Kawawa talaga ang batang yun, at the young age of 6, naranasan niya ang ganitong sakit.
"He's asleep. Nagpapahinga pa." I sighed when I heard the sadness in Zander's voice. Gone the playful, flirty Zander I know.. bumalik ang vulnerable na Zander na nakasama ko mula pagkabata. Lumabas na muna siya dahil may gagawin raw sa kumpanya nila ni Yuan. Dumiretso ako sa opisina ko at naabutan doon si Sitti na busy sa kung ano.
"Kamusta na pala ng pamangkin mo?" She asked when I sat in front of her.
"I don't know. I'm worried, you know." Napayuko ako. It hurts seeing my family like that. Masyadong mahina.
"Hey, stay strong, Val." I tried to smile. I have to. Hindi ako pwedeng sumabay kay Comet, ayaw kong masyadong pahirapan ang mga mahal ko sa buhay.
"Pwede naman sanang ako nalang eh. Sana nilubos-lubos nalang. He's just a kid, Sitti. Masyado pa siyang bata para pahirapan ng ganito. " napayuko ako. Nasasaktan ako para kay Comet. He's still young, ang dami pang pwedeng mangyari sa kanya kaso may pesteng tumor siya..
NANG KUMALMA na ako ay nagpunta na ako sa kwarto ni Comet, wala si Guia, si Zander, Athan, Andrei at ang pesteng si Devon lang ang nandito.
"And remember that time when we went hiking, nung hinabol tayo ng mga bubuyog?!" Tawang-tawa si Athan habang sinasabi iyon.
"Oo! Oo! Tapos kamuntikan tayong mahulog sa pampang dahil hindi natin napansin!!" Segunda pa ni Andrei na naiiyak na sa kakatawa. Ganun din ang dalawang tukmol na tatawa tawa rin.
"Then.. then.. nung nagpunta tayo ng Bukidnon! Yung naiyak si Kuya Ash dahil sa lamig!" Napangiti ako dahil sa sinabi ni Andrei, I remember that time. Bwisit. Nakakatawa talaga yun dahil akala naman napano na siya.
"Sa Bukidnon ka rin sinagot ni ate Val!" Natigilan ako sa sinabi ni Athan. Shvt. What the fvck?!
"Oo nga! Ang sweet pa nga nun eh dahil ang daming bulaklak na nagamit tapos umiyak pa si ate Val kasi na-touch siya!" I frowned. Bwisit. Bakit ba sila nagre-reminisce?
"Shut up na nga! Ano bang kalokohan yan?! Stop talking about the past, we don't live there anymore." inis kong sabi tsaka binato sila ng throw pillow. Pero ang mga walangya nagsitawanan lang.
"Then, let's build a new present!" I gave Devon a piercing look with what he said. Damn him.
"Shut up evil creature. At ikaw Zander?! What are you laughing at!" Singhal ko kay Devon at Zander na kapwa nagtatawanan pa rin. I sighed in frustration at mabilis na lumabas ng kwarto. Mga walangya talaga. Bwisit.
Dumiretso ako sa rooftop ng hospital. Fresh air. Masyadong polluted sa baba dahil sa mga walangyang nandun. Why am I so affected?! Masyado akong affected! Hayaan mo na nga lang sila Valerie!
"Aaaahhhh!!!" I shouted on top of my lungs. Napapikit ako para pakalmahina ng sarili ko. Ikamamatay ko ata talaga ang lalaking yun. Hays..
"We should file a petition! That kid is not worthy of the presidential position!" Natahimik ako nang bigla akong may narinig na boses ng lalaki. Sinundan ko iyon only to see Roland Pelez with his colleagues. Tangna. Akk na naman ba ang pinag-uusapan nila?!
"Dapat lang! Hindi pa rin ako makapaniwala na isang babaeng tulad niya ang nagiging boss ko!" Napapikit ako dahil sa sinabi ni Mr. Saez. They really have a problem with me.