PROLOUGE

114 1 0
  • Dedicated kay Jireh Rose Arellano Otanes
                                    

*Phone

"Hey babe, malapit na mag New Year! Only minutes away. I really wish you are here with me." Sabi ko kay Steven

"Me too. Pero nagkaproblema sa school eh, sorry! Babawi nalang ako."

Something is off sa boses nya. Pero papalagpasin ko nalang. After all, it is our first ever official anniversary. Nag simula na magcount down na ang mga bisita namin sa bahay. Samantalang ako, nasa bubong ng tree house namin, gusto ko makita yung fireworks at stars.

"Huy! Malapit na ang New Year, ilang segundo nalang one year na tayo!" Sabi ko sa kanya sa phone.

Walang nagsasalita sa kabilang linya. Kahit boses nina Mommy Laidia at Daddy Curt -parents ni Steven- ay hindi ko naririning. Baka naman hindi nya kasama.

10 seconds nalang, Bagong Taon na.

"Margaux, happy anniversary and whatever happens," long pause "Happens, just accept the fact that I'm doing this for you." sabi ni Steven. Bigla akong kinabahan, ano bang sinasabi nito?

"Ssshhhh! Compose yourself, mahal na mahal ka nya. At nangako sya na hindi ka nya iiwan, have a little faith, Kaye." Sabi ko sa sarili ko.

"Okay." Sagot ko.Five seconds before New Year.

"Always remember I will be right here. I lo-"

Then everything happened so quickly...

Gun shot. Sound of body falling to the floor, nalang ang mga napakinggan ko sa kabilang linya. Bigla akong nahulog sa bubong. Count down to Zero. Firewroks. Tawanan. Happy New Year, the start of a new beginning!

Ang sakit ng katawan ko at napaka dumi na ng white cocktail dress ko. Pero ang unang sinabi ng instincts ko ay "Puntahan mo si Steven!"

Tumakbo ako papunta sa loob ng bahay. Sa likod ako dumaan para walang makakita sa akin, lalo lang magkakagulo. Nang makarating ako sa kwarto ko, agad kong kinuha ang susi ng Pink-Chevi ko. Habang papunta ako sa gate-

"Ma'am pasaan po ikaw?" Tanong ng security guard. Pero hindi ko sya pinansin, derederetso lang ako sa pagtakbo.

"Okay. Student's License palang ang lisensya ko at day off ang driver ko. Kaya magiingat nalang ako, para konti lang ang makuha kong atensyon. Thirty minutes' drive ang papunta kayna Steven, kapag binilisan ko baka mga 12:20 nandoon na ako." Isip ko sa sarili ko habang pinapaandar ang sasakyan. Nang umandar ang sasakyan, agad akong nagmaneho papalayo sa amin.

"Baka naman pupunta lang ako 'dun para sa wala. Pwede naman kasing paputok lang ang napakinggan ko, magaaksaya lang ako sa gasolina." Sabi ko sa sarili ko. "Hindi! Paano naman kung baril nga ang napakinggan ko? At kung hindi man, at least makikita ko sya ngayon."

Twenty-five minutes akong nagdrive, nang makarating ako sa street nila, ang traffic!

Magtuturn na ako ng corner para makarating sa bahay nila. Pero ang daming tao na nakahara sa daan

*Beeeeep! Beeeeep!

Hindi talaga umaalis ang mga tao, kaya't tinanggal ko nalang ang heels ko at tumakbo papalabas ng nakapaa. Pinagtitinginan ako ng mga tao---at bigla kong naalala ang itsura ko. Babaeng naka messy curls ang buhok, nakasuot ng mamahalin na puting at maduming cocktail dress, dumudugo ang siko at tuhod habang tumatakbo ng nakapaa. No wonder attention magnet ako ngayon.

Pero marami paring mga tao ang hindi nakakapansin sa akin, nagtutumpukan sila sa harap ng bahay ni Steven. Bakit?

Pagkaliko ko ng corner, ang una ko agad nakita ay ang red at blue na ilaw na nanggagaling sa police car at ambulansya. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang isa sa mga pulis na may hawak na yellow tape at inilalagay ito sa paligid ng bahay nina Steven.

To Infinity...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon