CHAPTER 2: S.O.S.

62 2 0
                                    

Pagdating namin sa hall, bugbog sarado na sina Damon.

Nakasandal si Damon sa lockers, si Garnet at Daniel walang malay, si Samm na putok ang labi naman ay tinutulungan si Max na tumayo, samantalang si Caleb yapos ang kanyang braso habang nakaupo sa sulok.

"What the hell happened here?!" tanong ni Anden

Umubo ng dugo si Damon "Pro-prodigy" tumingin sya sa akin at ngumiti "what a relief, at least you're safe." Nginitian ko rin sya

"Not as safe as you think." Hinawakan nya ang pulso ko at tinapat kay Damon. Agad-agad nawala ang ngiti nya sa mukha.

"No... No... No... Please no!" paulitulit na sinabi ni Damon habang umiiling sya.

"All of this... for nothing?" tanong ni Samm na halatang frustrated

"Wow! Great! Just... great!" dagdag ni Max

Samantalang si Caleb tumawa nalang na parang naloloko na. Kaya sinubukan ko sila icomfort.

"Guys! Ang over acting nyo naman! Ink lang 'toh oh!" pinunasan ko yung pulso ko ng panyo, pero kahit anong punas ko... hindi matanggal. Pumula na ang pulso ko, pero wala paring nangyari.

"You just proved our point!" sabi ni Caleb

"Eh ano naman kung may mark ako?!"

"Hindi mo ba talaga magets?" tanong ni Anden, at umiling ako

"Haaay, pagmamay ari ka na nila nang isang buwan!" napatigil ako "Maliban nalang kung sila mismo ang bumitaw sayo. Pero meron rin namang tinatawag na 'trading your mark' pwedeng ipagpalit, pero malaki ang kapalit 'non." Explain ni Anden

"So parang bagay nalang ako? I won't do it!" sabi ko sa kanila

"Hindi pwedeng hindi. Nakasalalay dito ang buhay mo Sky, nasa rules 'yon ng fraternities." Pagcomfort ni Samm "Wag ka magalala, pinaghirapan ka nilang kuhanin, kaya hindi ka papabayaan ng Prodigy."

Dumating na ang iba pang mga Omega, una nilang binuhat sina Garnet at Daniel. Nagpaalam naman si Anden na pupunta sya Dean, para magpaalam. Bigla akong may napansin...

"Wala man lang dumating na professor? Kahit security guard, wala?" tanong ko sa kanila

"Walang nangengealam dito kapag frat war. Takot sila, kasi hindi lang sa loob ng school nag eexist ang mga clans, soros, frats at gangs." Sabi ni Max "Lalo na kapag Omega at Prodigy ang pinag uusapan."

"Anong ibig sabihin mo na 'hindi lang sa loob ng school?" tanong ko kay Max

"I mean... May kasamahan rin kami sa labas ng school, students, businessmans, celebs, police, lawyers, politicians.... You name it." Paliwanag nya. "Kaya lumakas ang Omega dahil ni Steven, marami syang connections."

*Ehem

Tumingin ako sa likod ko.

"Sa ospital nyo na ituloy ang pinaguusapan nyo, papatay na sina Garnet nag tsitsismisan pa kayo dyan!" sabi ni Samm

"Hahatid ko si Sky sa condo nya, Anden, ikaw na ang bahala sa kanila." Sabi ni Damon habang tinuturo sina Garnet. Nilagay ni Anden ang kaliwa nyang kamay sa dibdib at tumango.

"Okay ka lang ba?" tanong nya sa akin.

"Ikaw nga dyan ang bugbog sarado na, tapos ako pa ang tatanungin mo kung okay lang?!" Sabi ko sa kanya.

Pero tahimik lang sya hanggang makarating kami sa kotse nya.

"Ano ba kasi ang pinasukan nyo ni Steven!?" Tanong ko sa kanya pagsakay ko sa sasakyan.

Nag exhale sya bago magsalita. "Noong una, ako lang ang kasama sa Omega... Pero lumala ang case ni Steven, nung bumagsak ang isa sa pinakamalaking business ng Family nila. Gusto nyang tulungan sina Tita at Tito, kaya tinulungan ko sya sumali sa Omega, hindi nagtagal naging lider sya."

Tahimik lang kami hanggang makarating sa dining room ng condo ko.

"Bukas, ang suotin mong damit ay yung komportbale ka at madaling makatakbo. Sa buhay sa A.U. hindi ka makakasigurdo kung ano ang mangyayari sa bawat segundo. Mas mabuti nang handa." Hindi sya tumitingin sa mata ko.

"Kain ka muna bago ka umalis." Hindi nya ako pinansin at dumeretso lang sya papuntang pinto. Galit kaya sya sa akin? "Ipagluluto kita ng adobo"

Bigla syang napatigil at sinara ang pinto, humarap sya sa akin ng nakangiti. Favorite nya eh!

Habang kumakain sya, binuksa ko ang ilaw. Bigla syang tumigil kumain at tumungo. Pero bago nya pa itago ang mukha nya ay napansin ang pasa nya sa may labi at galos malapit sa maya nya.

Nakonsensya ako dahil hindi ko man lang napansin ang gwapo nyang mukha na bugbog sarado. Kumuha ako ng towel at binasa, pag upo ko sa upuang katabi nya ay tumayo agad sya. Hinawakan ko ang kamay nya at hinila ko sya para umupo.

"Kasi naman eh, sumali ka pa sa frat na yan. Pwede ka naman lumipat ng University, mayaman naman kayo." Sabi ko sa kanya. "Nasira tuloy ng mukha mo, gwapo pa naman."

Nginitian nya lang ako. Isang buwan kong hindi makakasama si Damon. "Mamimiss kita." Sabi ko sa kanya.

"Hindi naman tayo magkakalayo ng habang buhay, hindi kita iiwan tulad ni--"

Bigla sya napatigil, alam ko naman ang sasabihin nya, "hindi tulad ni Steven".

Dalawang minuto ko nang inaayos ang mukha nya, nilalagyan ko na ng bandage nang bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Tumingin ako sa nya, hindi ko napansin na sobrang lapit na ng mukha nya sa akin. Ramdam ko ang hininga nya sa aking pisngi. Tumingin sya sa labi ko.

Dahan dahan nyang nilapat ang labi nya sa akin. Bigla na lang ako pumikit. Nakakamiss ang sensation ng halik nya. Naging ex ko na si Damon, at mas magaling talaga syang kisser kaysa kay Steven. Steven... Steven...

STEVEN! Bigla akong napamulat, nilayo ko agad ang labi ko.

Ngumiti lang sya sa akin ng malungkot
"I still love you Sky." At bigla syang umalis.

To Infinity...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon