Chapter 5: Explanation

27 1 0
                                    

"Hyden, pwede ba mag tanong sa iyo?" Sa bahay kami ni Ethan naglulunch. Kasi sya ang may pinakamalapit na bahay.

"Bawal." Sagot nya.

"Ano ang tanong mo Sky?" Tanong ni Ethan

"May relasyon ba si Garnet at Kira?" Tumayo bigla si Kevin at pumunta sa kitchen.

"Siguro naman alam mo na kapatid ko si Kira, tama?" Tanong ni Kenji, umoo lang ako "Si Garnet ang dating frat leader ng Omega bago kay Steven. Nag trade kami ng mark. Nakuha ako ng Omega, alam ni Kira kung ano ang ginagawa sa akin ng mga Omega kaya sya mismo ang nakipagusap kay Garnet na makipag kontrata. Alam ng buong A.U. Na may gusto si Garnet sa kapatid ko kaya pumayag sya."

"Noong mga oras na yun... Kami pa ni Kira!" Sigaw ni Kevin galing sa kitchen "Nakipag break sya sa akin para sa kapatid nya." Pahina ng pahina ang boses ni Kevin.

"Sorry." Sabi ko

Hinatid ako ni Kira sa mall, at hinintay namin si Ethan.

"Tingan mo yung lalaking yun! Sabi nya wag malate tapos sya naman pala ang late?!" Reklamo ni Kira. Ngayon ko lang napansin kung gaano ka-girl si Kira. Pink heels, pink dress, pink nails. Kulang nalang pati buhok nya pink!

Chance ko na itong makakuha ng impormasyon sa pagkamatay ni Steven.

"Kira... Ano ang nangyari sa dating lider ng Omega? Si Steven ba yun?" Tanong ko sa kanya.

"Ah... Sya ba? Well, gwapo sya...pero namatay sya this January lang. Sabi ni Kenji ligaw na bala ang pumatay sa kanya... Pero I think there is more to that."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Gustong pabagsakin ni Steven ang Prodigy, at siguro success sana kung hindi lang---"

"Kung hindi ka lang madaldal Kira."

Tumingin kami sa likuran namin. Nakatayo si Hyden na naka black sweat shirt habang may hawak na Starbucks cup.

"Nasaan si Ethan?" Tanong ni Kira

"Family Problem. Kaya ako muna ang sasama sa inyo." Paliwanag nya

Napansin ko ang bakat na knuckles sa bulsa ng sweat shirt nya. "Paano mo yan naipasok sa mall?" Tumango ako sa knuckles.

"Baby... You call them connections" sagot nya

"Ibig nyang sabihin sa 'connections' ay binayaran nya yung security guard." Paliwanag ni Kira. At natawa nalang ako.

"Bakit ba kailangan pa mag shopping?" Tanong ko

"May party lagi tuwing Valentines ang A.U. at ang mga best of the best students lang ang invited. Its a beach and pool party!" Masayang sabi ni Kira. "At dagdag pa doon, ay meron ring no date, no entrance policy." Sa pahuli nyang sinabi ay hindi ko na mapakinggan ang saya sa boses nya.

"Kaya mamimili kayo ng decorations at damit mo" turo sa akin ni Hyden "ang Prodigies ang host ngayon at sa resort namin gaganapin ang event."

"Bakit kailangan ko pa bumili ng damit?" Tanong ko "At wala naman akong madadalang date eh, kaya hindi ako makakasama."

"Si Hyden walang date." Sabat ni Kira. Namula ako sa sinabi nya kaya tumungo nalang ako.

"Unang una, ang kadate mo ay si Ash. Pangalawa, kailangan mo magsuot ng maayos kasi nakakahiya naman kung pupunta ka doon ng naka pangtulog." Sabi ni Hyden.

Makikilala ko na rin sa wakas si Ash?!

Una kaming pumunta sa swimwear area.

At inabutan ako ni Kira ng iba't ibang swimsuit.

"Isukat mo, nandito lang kami sa labas." Sabi ni Kira

Sinukat kong una ang 'less expose'. At lumabas ako para ipakita kay Kira. Hindi ko inakala na si Hyden ang makikita ko.

Tiningan nya ako mula paa hanggang ulo. At napatigil ng pag inom ng mocha nya.

"Okay cute! Pero try ka pa ng iba kasi beach party yun. Try mo yung walang cloth sa tummy." Biglang sabi ni Kira

Naka lima pa akong sukat. Paglabas ko 'too expose' na ako sa swimsuit na ito.

"Perfect!" Sabi ni Kira sabay tingin kay Hyden na nakatitig lang, sabay ngiti.

"Good." Sabi ni Hyden

"Every guy will be following you around sa party kapag yan ang suot mo." Comment ni Kira

Biglang nag iba ang expression ni Hyden. "Binabawi ko pala ang sinabi ko, pangit yan. Try mo ito-" hinagis nya sa akin ang isang two piece swimsuit, white mini swimming shorts at ordinary na upper two piece ang pang taas.

"Ano?! Ang hot nya na dyan sa suot nya eh!" Protesta ni Kira

"Basta! Yang white ang bilhin nyo." Sabi ni Hyden sabay walk out.

Pagkatapos namin magbayad at makabili ng decorations nagyaya si Kira magsine.

"Ayaw ko! Kung ano ano lang ang papanoorin nyo!" Sabi ni Hyden

"Bahala ka dyan." Sabi ni Kira sabay bili ng dalawang tickets. "Magisa ka dyan sa labas!"

"With pleasure!" Sagot ni Hyden.

"Bili muna tayo ng popcorn" suggestion ko. "Ako na ang bibili."

Pagkatapos ko bumili ay bumalik ako kayna Hyden.

"Nasaan si Kira?" Tanong ko sa kanya

"Umuwi na sya. Mataas daw ang lagnat ni Kenji." Sabi ni Hyden "Uwi na rin tayo, wala ka na rin namang kasama sa sinehan."

"Sayang naman yung mga ticket." Sabi ko sa kanya

"Huh. Bahala ka na nga dyan, tawagan mo nalang ako kapag tapos na yung sine." Naglalakad na sya palayo nang may lumapit sa aking tatlong lalaki.

"Hi miss. Nasaan ang mga kasama mo?" Tanong nang isa sa kanila

"Ahm.. Wala akong kasama umalis na sila"

"Gusto mo samahan ka namin?" Tanong nang isa pa. May itsura naman sila pero hindi ko sila kilala.

Sasabihin ko na sana na pauwi na ako pero may biglang umakbay sa akin.

"Sky, ginugulo ka ba nitong mga ito?" Tanong ni Hyden. Just go with the flow. Tumingin sya sa akin sabay kindat.

"Pare, sorry ha. Sino ka ba?"

"Ako si Hyden Garcia." Sabay hawak nya sa kamay ko at pinakita ang mark ko sa kanila. "At sya naman si Sky Young, ang girlfriend ni Ash Morgan."

"Saglit lang. Hyden at Ash ng Prodigy?" Tanong ng nakamaroon

Tumango lang si Hyden ng nakangiti

"Bro, sorry talaga, hindi namin alam." Sabay alis nilang tatlo

"Haay... Sinusundan ka talaga ng gulo ano? Nuod na tayo ng sine."

To Infinity...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon