Chapter 3: Day 1

38 2 0
                                    

Hindi ako makatulog!

Ano kaya ang mga ipapagawa sa akin ng mga Prodigies? Ganoon ba talaga sila kasama na pati babae papatulan nila?!?

Baka naman makakabuti rin ito sa kaso ni Steven. Ang leader ng mga Prodigies ang numero uno sa listahan ko ng suspects.

Para kay Steven gagawin ko ito.

Kinuha ko ang picture namin ni Steven sa bedside table. Ito yung picture namin nung sinagot ko na sya. Ang laki ng ngiti nya dito. Masaya kaya sya ngayon?

Bigla nalang akong nagising. Hawak ko pa rin ang picture ni Steven, hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.

Paglabas ko ng kwarto... Nagluluto ng breakfast si Damon, habang ang iba pa namang Omega ay nagtatawanan sa sofa.

"Pano kayo dito nakapasok?!" Gulat kong tanong

Napatigil sila sa ginagawa nila at tumingin kay Damon na parang batang humihingi ng candy.

Humarap sya sa akin " Papalitan ko nalang ang door knob mo ng masmatibay. Kumain ka na, malelate na naman tayo."

Agad kong sinilip ang pinto ko. Wala na akong door knob!

"Alam mo bang pwede ko kayo kasuhan sa ginagawa nyo?"

"Pasalamat ka na lang kasi sinundo pa naman ikaw Sky." Sabi ni Caleb na may cast sa braso at namamaga ang pisngi.

"Hindi pa kayo okay ah... Bakit papasok na agad kayo?"

"Kaya namin 'toh!" Sabi ni Samm " At baka kung mapaano ka pa ngayon kung hindi kami papasok."

Nagtataka ako sa sinabi nya. At parang napansin ni Daniel ang expresyon ko kaya pinaliwanag nya "Ngayon ka ibibigay sa mga Prodigies."

"Masama ba talaga sila?"

"Sky, kung ang mukha naming napakagwapo ay kaya nila bugbugin, ano ang sa tingin mo?" Sagot ni Garnet

Tumaas ang balahibo ko sa braso. Bigla akong natakot.

"Pero, parang hindi ka naman sasaktan nung mga yun eh. Isipin mo, lima ang pinapunta nila para imark ka... Eh usually naman isa o dalawa lang dapat, kasi waste of time lang para sa ibang members kapag hindi ka ganoon kaimportante para sa leader. Biglang napatigil ang lahat sa sinabi ni Daniel. "Damon! Hindi kaya..."

"Hindi!" Hindi na pinatapos ni Damon ang pagsasalita ni Daniel

"Hindi kaya.... ano?" Tanong ko

"Gusto ng lider na ikaw ang may hawak ng korona." Sabi ni Max habang nanonood ng TV

"Ano?" Nalilito pa rin ako

"In other words, may gusto sa iyo si Ash." Pagpapaigsi ni Daniel

Tiningan ni Damon ng masama si Daniel.

"Tama na nga yan! Lalo nyo lang pinapagulo ang sitwasyon!" Sabi ni Samm

"Kumain ka na Sky." Nilagay ni Damon ang niluluto nya sa plato ko. Tumingin ako sa relo, 7:00, 8:00 na ang start ng klase ko ngayon. Agad kong inubos ang pagkain at naligo.

Pagbaba namin sa parking, may limang mamahalin na sasakyan na naka park.

"Hindi ba anim kayo? Bakit lima lang ang sasakyan dito?" Tanong ko

"Grounded kasi ako eh" paliwanag ni Samm "Kaya makikisakay nalang ako kay Damon"

"Kay Caleb ka makisakay! Si Sky sa sasakyan ko." Sabi ni Damon

"Eh ang pangit naman ng sasakyan ni Caleb, hindi latest model!" Reklamo nya

Pero isang tingin lang ni Damon at padabog na pumunta si Samm sa sasakyan ni Caleb.

"Gusto mo lang masolo si Sky eh!" Pahabol nyang sigaw

Tumawa lang sina Max, at umiling si Damon and I can't help blushing.

To Infinity...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon