Chapter 4: The Trade

38 1 0
                                    

7:40am na, sa theater ng A.U. magaganap ang trade kasi walang tao ng ganitong oras dito.

"Ano ba yan! Late na sila ng 10 minutes." Sabi ni Max "Baka naman canceled na!"

Biglang bumukas ang ilaw sa stage. "In your dreams Max!" Sigaw ni Mike at nag labasan na ang mga Prodogies.

Tumayo ng tuwid sina Damon at nag suot ng knuckles si Garnet.

"No need for violence Garnet. A deal is a deal, ibigay mo lang sya sa amin at tapos na, ihahatid pa namin sya sa classes nya kung gusto mo." Sabi ni Ethan

"Ang dami nyong satsat! Lets get on with it!" Sabi ni Kenji

Hinawakan ako sa balikat ni Damon at may inabot na bracelet na may maliit na red button sa gitna, pero mukha lang syang relo. "Tracking device yan. Just press the red button at pupuntahan ka namin agad."

Inescort ako ni Damon papunta sa gitna ng theater at tumigil. Si Hyden naman ang sunod na lumapit. Hinawakan nya ang braso ko pero bago nya pa ako mahila ay hinawakan ni Damon ang pulso nya.

"I will trade your mark." Sabi nya kay Hyden.

"What is that? Pakiulit nga Damon?" Sabi ni Hyden na parang nang aasar.

Nagalit si Damon kaya sinigaw nya. "I will trade your mark!"

Nagulat ang lahat, tumingin ako sa likod ko kung nasaan ang mga Omega. Halata sa mga mukha nila na hindi nila alam itong ginagawa ni Damon.

"At ano naman ang iooffer mo sa amin kapalit nya?" Tanong ni Hyden

"Ang sorority leader ng Elites, si Naomi.."

"Tinanggihan na namin sya noon pa!"

"Hindi pa ako tapos sa deal ko." Sabi ni Damon "at ang Fraternity leader ng Omega Point, Ako."

Ngumiti si Hyden, habang nagsisigawan ang mga Omega. Anong ginagawa ni Damon?!

"Nababaliw ka ba Damon o Baliw na?!" Sigaw ni Caleb
"Anong iniisip mo?! Si Naomi nalang ang ibigay mo!" Dagdag ni Daniel
"Kung wala ang lider patay ang frat!" Sabat ni Samm

Samantalang nakatitig lang sina Max at Garnet na parang hindi makapaniwala.

"Ang laki ng inoffer mo, this girl must be worth a fortune for you. Even though tempting ang deal na yan... Papahirapan mo lang kami iinterrogate ka, at si Naomi naman ay walang silbi sa amin. Plus, Ash really likes her." Sabi ni Hyden

Nasa mukha ni Damon ang pagkalito. Bago pa makapag salita si Damon ay bigla akong hinila ni Hyden sa kanya.

"Thank you for your time Omega."

Hinila ako ni Hyden hanggang hindi ko na makita sa Damon.

"Here are the rules Princess." Sabi ni Kevin

"Rule #1. You can't talk, call, text, video call, chat, tweet etcetera with other clans, ESPECIALLY OMEGA POINT, In other words, no communication." Sabi ni Ethan

"Rule #2, you will give us your schedules for class kasi isang buwan ka namin babantayan, hindi ka pwede pumunta sa next class nang walang escort." Dagdag ni Kenji

"Rule #3, you eat when we tell you to, you go to the bathroom when we tell you to, you talk when we tell you to. For short, susundin mo lahat ng utos namin, well actually utos ni Ash." Paliwanag ni Kevin

"Rule #4, where the fun begins." Sabi ni Mike ng nakangiti ng nakakakilabot. "Hatid sundo ka namin sa bahay ni Supreme."

"Huh?! Teka lang! Anong hatid sundo sa bahay ni 'Supreme'? At sino yun?" Tanong ko

To Infinity...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon