CHAPTER 1: I'm Here!

116 4 0
  • Dedicated kay Aurora Blanca Mijares Lalo
                                    

I can do this!

February palang, pero nagpalipat na agad ako ng school. Mag sisimula ako sa University na pinapasukan ni Steven, ang Alchemy University, ang isa sa pinakang mahal na University sa buong Asia. Can afford naman ang family ko eh. At 3rd year college parin ako pagpasok, thanks to Daddy's connections. Pero mapapalayo ako sa kanila, sa condominium ako titira para malapit sa school. No uniform sa A.U. pero maliban sa P.E. kaya red shorts and white tee shirt ako ngayon.

Sa A.U. rin naman pumapasok si Damon, kaya tutulungan nya daw ako mag adjust. Pero nasaan na sya ngayon? 1st day of school at naliligaw na agad ako! Ang laki nang University na ito.

Napadaan ako sa locker hallway at ang daming tao! Lahat sila ay may kausap, nakakahiya namang mangistorbo. Kaya nag hanap nalang ako ng bulletin board, baka may mapa doon ng school. Sa dulo ng locker hallway ko nakita ang board. Pero nalilito pa rin ako eh ang daming paliko-liko at buildings. Kaya't pinicturan ko nalang.

Habang naglalakad ako, napansin ko na may grupo ng mga lalaki na sumusunod sa akin. Binilisan ako ang lakad ko, bigla silang tumakbo. Kaya tumakbo na rin ako! Ako nga ang hinahabol nila, walang duda. Lalo ko pang binilisan ang takbo ko, pero nang mapadaan ako sa isang building ay may biglang humigit sa akin.

Hawak nya ang bibig ko habang yapos ako para hindi ako makapalag. He is too freaking close! Nang makalampas na ang grupo ng mga lalaki, ay kinagat ko ang kamay nya. "Aray!" sigaw nya.

"You perv! How dare you touch me?" sigaw ko sa kanya. At halata naman na gulat na gulat sya sa sinabi ko.

"Hoy! Miss-How-Dare-You-Touch-Me, pasalamat ka nga at tinulungan pa kita sa mga Omega! Kung hindi, eh di sana napagtripan ka na nang mga 'yon!"galit nyang sabi

"Omega? Ha? Ano 'yon?" Siguro nakita nya ang puzzled look ko.

"Bago ka dito ano?" tumango lang ako. "Hindi ka tatagal dito."

Bigla syang nag walk out at iniwanan akong mag isa, sa tabi ng building. Gwapo sana, masungit lang! Aaaahhh! Tumingin ako sa relo ko, five minutes late na ako sa klase. 'Steven tulungan mo naman ako oh!'

Biglang nag ring ang phone ko, unknown number.

"Hello?" sinagot ko

"Nasaan ka na ba? Bakit bigla kang tumakbo?" boses ni Damon ang napakinggan ko. Ha?! Sila pala 'yong humahabol sa akin! Ano ba naman ito oh?!

"Eh bakit ba kasi bigla nalang kayo nang hahabol ng babae! At sana sinigaw mo pangalan ko!" Reklamo ko.

"Sorry naman oh! Hindi kasi ako sure na ikaw 'yon, tapos bigla ka nalang tumakbo, eh 'di hinabol ka namin. By the way, nasa harap kami ng main building, punta ka nalang 'don." Sagot nya.

End of Call

Sinave ko ang number ni Damon. Nang patayo na ako, napansin ko na may ID sa harapan ko. Pinulot ko ito. Ash Morgan ang pangalan na nakalagay dito. Hmmmn... siguro ito yung lalaki kanina, na 'tumulong' sa akin, pero hindi ako sigurado, hindi ko masyadong nakita ang mukha nya eh, 3rd year college palang rin sya. Tiningan ko 'yong ID picture, pero black na square lang ang nakalagay sa pic. Nilagay ko sa bag ko ang ID, tapos tuluyan na akong tumayo at pumunta sa harap ng main building kung saan nag hihintay sina Damon.

"Ang tagal mo naman Sky, pati kami late na!" reklamo ni Damon

"Ang layo pa kaya ng nilakaran ko!"

"Kung saan saan ka kasi nag sususuot eh!"

*Ehem

Biglang may umubo sa likuran ni Damon.

To Infinity...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon