Chapter 9: Amusement Park

22 1 0
                                    

4:00 pm

Pagkabalik namin sa mansyon ni Hyden, dumeretso sya sa kwarto nya.

Umupo ako sa sala kung saan naglalaro si Kenji ng xbox.

"Hulaan ko, hindi ka nya pinansin sa sasakyan ano?" Tanong ni Kenji

"Oo, ganoon ba talaga 'yon?"

"Hayaan mo lang sya. Inggit lang yan kay Damon kasi nahalikan ka nya." Tumingin ako sa kanya. Anong ibig sabihin nitong lalaking ito?

"Anong itsura ni Ash?"

Pinause nya ang nilalaro nya. "Sino ang pinakang gwapo sa amin?" Tanong nya

Hindi na ako nagdalawang isip pa. "Si Hyden."

"Aray. Talaga... Si Hyden, hindi ako?" Bigla syang tumawa

"Nagpapakatotoo lang naman ako." Sabi ko sa kanya ng pabiro

"Kamukha ni Ash si Hyden. Kasing yaman, kaugali, pero hindi pa namin nakikita ang soft side nya." Tinitigan nya ako. "Pero ngayon unti unting lumalabas ang ugali nyang 'yon"

Bumalik na ulit sya sa paglalaro.

Nagulat ako nang may nag click sa harap ko. May hawak na DSLR camera si Ethan. Akala ko si Ethan ang pinaka mature, hindi rin pala.

"Ang ganda mo." Sabi nya sa akin habang tinitingan ang picture na kinuha nya. Inabot nya sa akin ang cam

"Maalam ka pala mag picture?" Tanong ko sa kanya habang tinitingan ang shots sa camera.

"Hindi ako ang nagpicture nyan. Kay Hyden na camera yan." May talent pala si Hyden, photographer din si Steven tulad nya.

Nalungkot ako sa memories na magkasama kami. Bawat puntahan namin ay mayroon syang dalang camera, hindi na daw kasi namin mababalikan 'yon kaya kailangan may souvenir.

"Wag ka nang malungkot, kakausapin ka rin 'non. Masama lang siguro ang pakiramdam nya." Sabi nya sa akin, tumango lang ako.

"Tell you what... Wala ka namang plano ngayong araw na ito di ba?"

"Yup"

"Eh 'di... Go on a date with me." Sabi nya ng nakangiti

Tatanggapin ko na sana ang alok nya pero biglang sumabat si Kenji

"Hindi 'yan magugustuhan ni Hyden."

Biglang nag dalawang isip ako.

"Hindi naman sya kay Hyden, kay Ash sya. At hindi naman malalaman ni Ash kung walang magsasabi." Tiningan nya pababa si Kenji kaya naglaro nalang ulit sya.

"Tayo na?" Kinuha nya ang kamay ko at pinasunod ako sa sasakyan.

Pinatay nya ang aircon ng sasakyan at binuksan ang bintana. "Mas masarap kapag fresh air. Namiss ko ito." Sabi sa akin ni Ethan

"Sa probinsya ako lumaki, lumipat lang ako dito para mag college." Paliwanag nya "Ikaw, sa probinsya ka di nagstart ng kolehiyo? Bakit ka lumipat sa A.U.?"

Hindi ako sumagot ng ilang minuto. "Yung ex boyfriend ko kasi dito nag aral. Umalis sya at iniwan ako, gusto ko lang malaman kung bakit."

"He's dumb for leaving you. Sya ang nawalan, hindi ikaw." Sabi nya sa akin habang nagmamaneho

Sa totoo lang, ako ang nawalan.

Makalipas ang ilang oras na kakadrive. Tumigil kami sa isang amusement park. Ang ganda, ang kukulay ng ilaw. Ang huli kong punta sa ganitong park ay noong seven pa lang ako.

Kokonti lang ang tao sa park.

"Alam mo bang never in my life pa akong nakasakay sa roller-coaster?" Lumapit kami sa ticket booth at nag unlimited rides kami.

Gabing gabi na, isang ride na lang ang hindi namin nasasakyan, ferris wheel.

"Takot ako sa heights Ethan!" Pero pinipilit pa rin ako ni Ethan. "Ayaw ko..."

Bigla nya akong binuhat sa balikat nya at dinala sa ferris wheel. "Ethan!!!!"

"Do you trust me?" Napatigil ako nang sabihin nyo 'yon. Yun ang eksatong sinabi ni Hyden. Ngumiti sya, hindi ko namalayan na umoo na pala ako.

Nasa taas na kami ng ferris wheel. Ang ganda, kitamg kita namin ang buong park.

Namatay ang ilaw, nawalan ng kuryente ang park. Niyapos ko agad si Ethan. "Wag ka mag alala, proprotektahan kita, hindi kita iiwanan tulad ng ex mo. Ako ang tatayong kuya mo."

Ngayon ko lang ulit naramdaman na ligtas ako. Nagkakuryente na ulit ang park at umibo na ulit ang ferris wheel.

Pagsakay namin ng sasakyan chineck ni Ethan ang phone nya na naiwan nya.

"Shit!" Tiningan ko sya

"Bakit?" Tanong ko

Pinakita nya sa akin ang iphone nya, meron syang 23 miss calls at 17 unread messages lahat galing kay Ash. Meron pang 6 texts galing kay Kenji.

Mabilis na pinatakbo ni Ethan ang sasakyan. "Sky tawagan mo si Kenji!"

*Phone

"Nasaan ba kayo Ethan?!" Kenji

"Si Sky ito, pauwi na kami."

"Wag! Wag kayo uuwi!"

"Bakit?"

"Umalis kami para hanapin kayo, utos ni Hyden. Nagpaiwan si Mike, baka sakaling umuwi kayo." Tumigil sya ng sandali "Pagbalik namin, merong sasakyan ng mga Omega sa harap ng bahay."

"Paano si Mike?"

"Hindi pa namin alam. Basta wag kayo babalik, sabihin mo kay Ethan na pumunta sa quarters."

*End of Call

To Infinity...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon