Chapter 6: Humble Home

17 1 0
                                    

"Ang ganda ng ending nung movie!" Sabi ko ko kay Hyden ng nakangiti

Halata namang nag enjoy sya manood ng sine kasi maganda ang mood nya ngayon.

Paglabas namin ng mall tumawag ako ng taxi.

"Ano ang ginagawa mo?" Tanong ni Hyden

"Uuwi na." Sagot ko

"Parang may nakakalimutan ka." Inisip ko pero hindi ko matandaan, "Last rule. Sa bahay ko ikaw tutulog."

"Nasa condo pa ang mga gamit ko." Sabi ko sa kanya.

"Eh di pupuntahan natin." Naglakad kami papuntang parking lot, kakaunti nalang ang sasakyan dito. Alin kaya ang kanya?

Pinindot nya ang susi at umilaw ang isang deep red Ferrari. "Iyo yan!?"

"Hindi... Ninakaw ko lang yan kaya nasa akin ang susi." He said sarcastically

Pinagbuksan nya ako ng pinto at nagdrive na sya

"Sino ka ba talaga Mr. Garcia?" Tanong ko. Bigla syang napatingin sa akin.

"Bakit ang yaman mo? Anak ka ba ng presidente?" Tanong ko sa kanya sabay tawa nya. Ngayon ko lang napakinggan ang tunay nyang tawa. Ang sarap pakinggan.

"Mommy ko ay isang global business woman."Sagot nya

"Eh Daddy mo?"

Hindi nya sinagot ang tanong ko hanggang makarating kami sa condo.

"Saglit lang." Bigla syang naging alerto

"Bakit?" Tanong ko

"Sira ang door knob ng pinto mo. Baka may pumasok na ibang tao."

Hindi ko mapigilan ang tawa ko

"Bakit?"

"Si Damon ang sumira nyan kaninang umaga." Paliwanag ko. Pero mukhang hindi sya natuwa sa sinabi ko "Okay lang yan, safe ang condo ko"

Pumasok ako at kumuha ng ilang damit.

"Kaano ano mo ba si Damon?" Tanong nya

Hindi ko alam kung dapat ba ako mag sinungaling, pero sinabi ko ang totoo "Kababata ko sya. Naging ex boyfriend ko rin sya, pero matagal na yun."

Paglabas ko dala ang bag ko may hawak na picture at letter si Hyden.

"Ano yan?" Tanong ko

Tinago nya agad sa bulsa nya ang hawak nya at kinuha ang bag ko "Tayo na. Ito lang ba ang dala mo?"

Nagpark sya sa tapat ng isang malaking bahay. Lumabas sa pinto sina Kevin, Mike at Ethan. Akala ko ba may family problem si Etgan?

Kinuha Mike ang gamit ko at dinala sa loob.

"Welcome sa bahay ni Hyden!" Sigaw ni Ethan

"Bahay ito? Mansyon ang tawag ko dito eh!" Sabi ko habang pinagmamasdan ang labas

"Baka gusto mong pumasok?" Tanong ni Hyden

Pumasok sa bahay ni Hyden. "Katapat lang ng kwarto ko ang kwarto mo sa taas."

"Sky! Nuod tayo ng tv!" Yaya ni Kevin

Pumunta ako sa sala kung nasaan ang tv. Puro balat ng chips at soft drinks ang nakakalat.

"Ang kalat nyo kumain!" Inis na sabi ni Hyden

"Ipalinis mo nalang kay Manang Lita." Sabi ni Mike

"Day off sya ngayon. Naghahanda sya para sa debut ng anak nya sa isang araw." Sabi ni Hyden, pero wala sa kanyang nakikinig. "Hoy!"

"Kaya pala walang laman ang ref mo. Wala kang tagaluto." Pang aasar ni Ethan.

"Hindi pa kayo kumakain?" Tanong ko

"Chips..."

"Ang ibig sabihin ko ay diner."

"Ah... Hindi pa, walang pagkain eh. Take out tayo gusto nyo? Libre ni Hyden." Nag self declare si Mike

"Hindi tayo magtetake out! Gabi na!" Protesta ni Hyden

"Ipagluluto ko nalang kayo." Nagtinginan silang lahat sa akin nang sinabi ko yun

"Maalam ka mag luto?" Tanong ni Ethan

"Oo, sino bang babae ang hindi maalam kahit mag prito?" Tanong ko

"Si Naomi, Jewel, Sacha, Kira--" hindi ko na pinatapos si Kevin

"Okay... Okay... Anong gusto nyo?"

"Lasagna!"
"Spaghetti!"
"Crab and corn soup!"

"Tumigil nga kayo! Ikaw na ang bahala Sky." Sabi ni Hyden

Tiningan ko ang ref ni Hyden.

"Ayos lang sa inyo ang Bulalo?" Tanong ko

"Bulalo!" Sabay sabay na sinabi nung tatlo ng nakangiti.

Pagkatapos ko magluto ay hinanda ko na sa lamesa ang pagkain at kanin.

"Eat up." Sabi ko sa kanila

"Aba! At kumakain kayo ng wala ako!" Biglang bumaba ng hagdan si Kenji at Kira.

"Akala ko ba nasa bahay nyo kayo?" Tanong ko kay Kira

"Ah... Eh... Ayos na daw sya eh kaya pumunta kami dito." Paliwanag ni Kira, biglang nyang siniko si Kenji.

"Ah.. Oo... Gutom lang talaga ako." Sabi ni Kenji ng nakangiti.

Pagkatapos kumain ay nagkanya kanya hugas kami ng plato.

Nakatulog na yung iba sa sofa at sahig, masyadong marami ang nainom nila. Hindi na sila nag abala pang umakyat at pumunta sa kwarto, Sabado naman bukas kaya ayos lang.

"May ipapakita ako sayo." Hinawakan ni Hyden ang kamay ko at hinila ako papunta sa rooftop.

"Hyden, saglit... Takot ako sa heights." Sabi ko sa kanya bago ako umapak sa bubong.

Tiningan nya ako, at hinawakan ang pareho kong kamay. Dahan dahan nya ako hinila. Bawat apak nya ay umaapak ako. Pagdating nya sa dulo "Hyden! Mahuhulog tayo!"

"Do you trust me?" Tanong nya sa akin

Gusto kong isigaw na hindi. Pero may force na pinipilit ako umoo. Na parang mas tamang sagot ang oo.

"Oo" Ngumiti sya at pumikit ako.

Hinila nya ako palapit sa kanya ng mabilis at nahulog kami.

Ramdam ko ang hangin na naging tubig.

Pagmulat ko nasa ilalim kami ng tubig habang nakatingin sya sa akin. Umahon sya kaya sumunod na rin ako.

Tumingin ako sa paligid, nasa pool kami. Tumingin ulit ako sa kanya.

Nagflofloating si Hyden, habang nakatingin sa mga bituin, ginaya ko sya at minulat ang aking mga mata. Ang ganda ng kalawakan.

"Kita mo yung bituin na malapit sa buwan?" Tanong ni Hyden

"Oo"

"Tuwing humihingi ako ng sign, sya lagi ang hinihingan ko."

Tumingin ako sa kanya, ang ganda ng kanyang ngiti. Parang bata na pinansin ng first crush nya.

Tiningan ko ulit ang bituin na tinutukoy nya at ipinikit ang aking mga mata. Siguro may plano talaga si God para sa akin. Siguro destined kami magkakilala ni Hyden. Pero kailangan ba talagang mamatay si Steven? What if kung fate ito na pinagtagpo kami, masyado lang akong bulag dahil sa kaso ng isang taong iniwan ako?

"What if..."

To Infinity...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon