Chapter 10: Head Quarters

56 3 0
                                    

Sobrang bilis magpatakbo ng sasakyan ni Ethan. Halatang hasang hasa sya sa pag dradrive.

"Ethan... Saan ang quarters?" Tanong ko

"Basta.... 'Don lahat nagaganap ang meetings, plannings at kung anu-ano pa."

Hindi ko na sya kinausap kasi baka maaksidente pa kami.

Tumigil kami sa isang mukhang lumang storage house. Binuksan ni Ethan ang pinto ko at niyakap ako.

"Mukhang magagalit si Hyden," bulong ni Ethan. "Hayaan mo na akong makipag usap 'don. Dumeretso ka nalang kay Kenji." Tumingin sya sa akin at naglakad kami papunta sa pinto nung bodega.

Kumatok si Ethan, pero hindi ito ordinaryong katok, mayroong pattern.

Bumukas ang pinto at si Hyden agad ang nakita ko.

Magpapaliwanag sana si Ethan nang bigla syang suntukin ni Hyden.

"Hyden!" Sigaw ko, pero wala akong magawa. Deretso lang syang sinusuntok ni Hyden, pero hindi lumalaban si Ethan.

Sinubukan kong pigilan si Hyden pero tinulak nya lang ako. Napaupo ako sa lupa dahil sa lakas ng tulak ni Hyden.

Saktong dumating sina Kenji na may kasamang ibang pang mga lalaki. Tumigil si Hyden nang nakita ako. Tumingin lang sa akin ang lahat. Walang umiibo nang ilan pang mga minuto. "Ahm... Guys, baka patay na 'don si Mike... Tayo na sa loob?" Tanong ni Kenji.

Pumasok si Hyden sa loob, tinulungan ng mga iba pang lalaki si Ethan. Inalalayan naman ako ni Kenji papunta sa loob, ang sakit ng katawan ko sa pagkalagpak ko. "Sabi sa'yo eh, 'Hindi yan magugustuhan ni Hyden' hindi naman kayo naniniwala sa akin." Sabi ni Kenji, sana nga naniwala ako. Tiningan ko si Ethan, halos wala nang malay.

May isa pang pinto na may double lock, nang buksan ito ni Hyden, lumiwanag. Kumapara sa labas na luma na, sa loob naman ay modern. May malaking sofa sa tabihan. Sa gitna naman ang may mahabang mesa na may mga upuan. Sa kabilang dingding ay may koleksyon ng mga baril at pictures nila sa shooting range. Meron rin coffee table at vending machine. Mukha syang ordinaryo maliban lang sa mga baril na nakasabit 'don sa dingding.

Dinala kami ni Ethan sa 'clinic' nila. Hiniga siya sa isang kama at sinara ang kurtina na nakapalibot sa kanya.

"Umupo ka muna." Turo ni Kenji sa akin sa isa pang kama." Sinunod ko ang utos nya. May nilabas syang mga gamit sa cabinet at nilagay sa tabi ko. "Patingin nga ng kamay mo." Pinakita ko ang kamay ko, ngayon ko lang narealize na may mga sugat ako sa kamay. Nilinis ni Kenji ang mga sugat ko at nilagyan ng cloth bandage palibot. "Ang kulit kulit nyo kasi eh! Tsk... Tsk..." Napatawa ako sa sinabi nya.

Pumasok sa loob si Hyden. Biglang binitawan ni Kenji ang kamay ko. "Lumabas muna kayong lahat." Sabi nya, mukhang galit pa rin. Tatayo na sana ako ng kama pero "Maliban sa'yo Sky." Tumingin sa akin si Kenji, takot ang ekspresyon nya. "Bro, alam kong galit ka, pero babae yan--" Tiningan ni Hyden si Kenji kaya napatahimik sya. Lalo lang akong natakot sa tingin ni Hyden at sa sinabi ni Kenji. Umalis na sila ng pinto.

Lumapit sa akin si Hyden "Ano ba kasi ang iniisip mo?!" Sigaw nya. Tumingin lang ako sa mata nya, alam kong kahit papaano ay may kabutihan sa kanya, hindi nya lang pinapakita. "Ano?!" Sigaw nya at biglang hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Napasigaw ako kaya hinila ko ang kamay ko, bumakat sa bandage ang dugo, sa sobrang sakit napaiyak na lang ako.

Tiningan nya ang kamay ko. Tumalikod sya at sinuntok ang pader na katabi nya, bamakat ang suntok nya. Humarap ulit sya sa akin, pinunasan nya ang luha ko. "Sorry." Sabi ko

"Shhh, ako dapat ang nagsosorry." Nginitian nya ako ng matamlay. Nilagay nya ang buhok kong nakahara sa mukha ko sa likod ng aking tainga.

Umupo sya sa tabi ko, hinawakan nya ang pisngi ko at hinarap sa kanya. Naglapat ang noo namin, tiningan nya lang ako. My lips are twitching, eager for his kiss, but all I can do is stare back. His lips parted, pero mga salita ang lumabas dito. "Sorry" pinaulit ulit nyang sabi "Sorry for the fraternities","Sorry dahil natulak kita", "Sorry nasuntok ko si Ethan" tumigil sya. Pinikit ko ang mga mata ko, to stop the tears for falling pero hindi k
o kaya.

Then and there, his lips touched mine. It was like heaven on Earth, the sweetest thing on the planted, the Stars shining at the same time. Its like happily ever after.... no, no, it is nothing like that, this is so much better.

Parang hindi na matatapos ang ang oras na 'yon. Tumigil sya, tumingin sa akin at ngumiti while I giggled. Biglang may nagbuntong hininga sa likod namin. Bukas nang kaunti ang kurtina ni Ethan, mukha nya lang ang kita. "Hyden, ang dami mo pang satsat! Hahalikan mo rin pala!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To Infinity...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon