Chapter 02 - Panaginip

503 37 10
                                    

Chapter 02 – Panaginip

 

 

Isabela’s POV:

 

 

“Isabela, mag-iingat ka doon ha?” Medyo nag-aalalang sabi ni Ate.

 

“Ano ka ba ate, ilang beses ko bang sasabihin na oo?” Natatawang sabi ko. Binatukan ako ni Ate sa sinabi ko na parang naiinis.

 

“Nag-aalala lang ako.” Medyo nakasimangot na sabi ni Ate. Lalo akong napangiti.

 

“Weh? Ang sabihin mo… mamimiss mo lang ako.” Pag-aasar ko sa kanya. Babatukan nya sana ulit ako nang may narinig kaming tunog ng kotse sa labas.

 

“Andyan na si Ninang.” Bulong ni Ate sabay silip sa bintana. Tumango ako bilang pangsang-ayon.

 

“Nandyan na lahat ng gamit mo ha? Baka may nakalimutan o may gamit na maiwan mo?” Tanong ni Ate sa mahinang boses.

 

“Wag kang mag-alala ate, nandito na lahat ng gamit na kailangan sa bag ko.” Tugon ko. “Pero… paano si Inay? Ano—“

 

“Ano ka ba Isabela, ilang beses ko bang sasabihin na ako na ang bahala doon?” Napatawa naman ako nang mahina dahil ginaya nya ang boses ko nung sinabi ko ang sinabi nya kanina. Tumawa rin siya pabalik.

Napatigil ang pagtatawanan namin nang may kumatok sa pinto. Sinenyasan naman ako ni ate na papasok na siya sa kwarto nya at ako nang bahala. Tumango naman ako at tumayo sa kinatatayuan at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang ngiting ngiti na mukha ni Ninang Roxanne.

 

“Oh, Isabela dear. I miss you.” Sabi ni Ninang at niyakap ako. Maganda siya at mukhang nasa 25 years old pababa ang itsura nya. Mabait siya at may kaya sa buhay. Maputi ito, balingkinitan ang katawan at brown ang kulay ng medyo naniningkit nyang mata.

 

“Na-miss ko rin po kayo, Ninang.” Sabi ko sabay ngiti. Ngiting ngiti naman siyang tumango.

 

“Nice to hear that, Isabela.” Sabi nya sabay haplos ng pisngi ko. “You’re still beautiful as ever.”

 

“Ahh, salamat po.” Sagot ko at ngumiti lalo dahil sa papuri nya sa akin.

IsabelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon