Chapter 06 - Confession

301 21 4
                                    

Chapter 06 – Confession

 

 

Isabela’s POV:

 

 

“Do you know Liam?” Bungad ni Tyler pagkabalik ko ng silid. Medyo nakakunot noo ito na parang naiinis. Napaiwas na lang ako ng tingin nang maalala ko yung sinabi ni Liam kanina.

 

‘Diba sabi ko sayo wag kang lalapit sa kanila?’

 

 

Napalunok ako. A-ano ba kasing meron kay Tyler para hindi ako lumapit sa kanila? Hindi naman siguro masama si Tyler, mukha naman siyang mabait. O baka naman hindi si Tyler ang tinutukoy ni Liam. Kung hindi si Tyler, sino?

 

“Isabela?” Napatingin ako kay Tyler na kanina pa pala ako tinatawag. Medyo nagulat ako nang makita kong nakalapit na pala ang mukha niya sa akin kaya aksidente ko siyang natulak nang malakas. Napahiga siya sa sahig dahil sa lakas ng pwersa kaya humingi agad ako ng tawad. Ramdam kong halos nakatingin lahat ng estyudante sa amin dahil sa nangyari.

 

“P-pasensiya na talaga.” Sabi ko sabay lahad ng kamay ko sa kanya. Agad naman niya itong tinanggap at pinagpag ang nadumihang damit at ngumiti sa akin.

 

“Ayos lang. Basta ikaw.” Sabay kindat niya sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin doon at naramdaman kong nag-init yung pisngi ko.

 

“So, I will ask you again, kilala mo ba si Liam?” Medyo nawala na yung ngiti niya nung tinanong niya yon.

 

“H-hindi. Bakit?” Pagsisinungaling ko na parang inaaktong hindi kilala si Liam. Hindi ko naman talaga kilala si Liam. Maaaring kilala ko siya sa panlabas na kaanyuan pero hindi ko naman alam kung ano ang buong pagkatao niya.

 

“Eh bakit ka niya hinila kanina?” Nagtatakang tanong niya.

 

“A-ah. Hindi ko nga alam eh. Binitawan niya rin ako tapos umalis na siya.” Parang bale wala kong sabi. Nakita ko namang napahinga siya nang maluwag.

 

“Buti na lang.” Narinig kong bulong niya sa sarili niya kaya nagtaka ako.

 

“B-bakit? Ano bang meron sa kanya?” Tanong ko naman sa kanya. Nakita kong napatigil siya saglit na parang iniisip kung ano yung sasagutin tapos ay humarap na siya sa akin.

IsabelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon