Chapter 03 - Rebecca

451 32 7
                                        

Chapter 03 – Rebecca

 

 

Isabela’s POV:

 

“Isabela?” Rinig kong tawag ni Ninang Roxanne mula sa labas ng kwarto kung nasaan ako ngayon na sinundan ng mahinang pagkatok sa pinto. Agad akong bumangon mula sa malambot na kama atsaka tumungo sa pinto at binuksan ito.

 

 

“Ayos lang ba ang kwarto mo? Hinanda ko talaga yan para sayo.” Nakangiting bungad ni Ninang. Napatawa naman ako ng kaunti at sumagot.

 

“Haha. Opo. Sa bagay nga po eh, ang laki laki ng kwarto. Para pong mas malaki pa sa bahay namin.” Pagpupuri ko na totoo naman.

Oo. Tama. Napakalaki ng kwarto at mayroon pa itong  magagandang disenyo. Marami ring mga bagay sa kwarto na mahahalata mong mamahalin. Kulay pink din ang halos lahat ng gamit sa kwarto kaya napaka-cute tingnan para sa akin.

 

“Pambata ba masyado? Pasensya na ah? Nung huli kasi kitang nakita, ang liit liit mo pa. Tapos ngayon, dalaga ka na at napaka-matured mo na.” Sabi ni Ninang. Napangiti ako lalo sa sinabi niya.

 

“Kayo naman Ninang, di pa rin kayo nagbabago. Mukha pa rin kayong bata… Ano po bang secret niyo?” Biro ko. Medyo natawa ako nung tumawa siya nang malakas.

 

“Secret.” Nakatawang sabi ni Ninang. Maya maya ay unti unti nang natanggal ang ngiti sa mukha niya at napalitan ng pag-alala, “Nga pala, bakit kanina…” Napatigil si Ninang saglit na parang nagdadalawang isip. Maya maya ay bumuntong hininga ito, “Huwag kang mahiyang sabihin sa akin kung masama ang pakiramdam mo o ano. Dadalhin kita sa ospital para gumanda ang kalagayan mo.”

 

“Ayos lang po ako, Ninang.” Mabilis kong sabi sabay iwas ng tingin, “Nanaginip lang po ako ng masama… Pero ayos lang po talaga ako.” Tapos nginitian ko siya ng pilit. Ang totoo ay hanggang ngayon ay kinikilibutan ako sa panaginip kong iyon na parang totoong totoo.

 

“Sige.” Ngumiti ng kaunti si Ninang at hinawakan na ang braso ko at hinila ako, “Ipapakilala na lang kita sa mga pinsan mo na anak ko at sa Tito mo.” Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko non dahil hindi na nagtanong pa si Ninang tungkol sa panaginip ko kanina.

Maya maya ay nakababa na kami sa salas. May dalawang babae na kasing edad ko at dalawang lalaki na ang isa ay kasing edad ko rin at yung isa naman ay mukhang kasing tanda ni Ninang. Tinaasan naman ako ng kilay ng isa sa mga babae roon. Ay isa naman ay nakatuon ang atensyon sa manika nito na nilalaro-laro na parang bata. Ang kasing edad ko na lalaki ay nakatingin lang sa akin ng walang emosyon habang yung isang nakakatanda ay medyo nakangiti sa amin ni Ninang.

IsabelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon