Chapter 04 – Room 666
Isabela’s POV:
“Are you ready? Malapit na tayo…” Nakangiting tanong ni Ninang. Huminga ako ng malalim bago tumango tsaka ngumiti pabalik.
“She seems nervous, Roxanne.” Sabi ni Tito Ethan na kasalukuyang nagmamaneho papunta sa School kung saan ako mag-aaral.
“I think so.” Sabi ni Ninang tsaka tumawa ng mahina kaya namula naman ang mukha ko sa hiya.
Tama si Tito, kinakabahan ako. Ang narinig ko kasi kay Ninang habang nag-aayos ako sa gamit sa kwarto ay sa magandang eskwelahan daw ako mag-aaral. Worthington Academy ang pangalan ng School na halatang pangmayaman na.
Hindi naman sa ayokong mag-aral doon sa magandang eskwelahan. Magandang opurtyunidad nga yon. Pero di ba, mayayaman at ang mga estyudante doon? Baka manliit at mapahiya lang ako. Napatungo ako. Sana naman magkaroon ako ng kaibigan doon.
“We’re here.” Sabi ni Ninang at napaupo ako nang maayos nung naramdaman kong tumigil na sa pag-andar ang kotse.
Napanganga ako sa laki ng eskwelahan. Nandito pa lang kami sa gate pero kita na ang mga naglalakihang building.
“Isabela?” Agad akong napatingin kay Tito, medyo nakangiti ito. “Let’s go.” Sabi niya sabay lahad ng kamay niya sa akin na agad ko namang tinanggap atsaka lumabas na ng kotse.
Nagsimula na kami maglakad. Marami ding mga malalaking puno kaya masarap at malamig ang simoy ng hangin.
Maya maya ay pumasok kami sa isang building na may nakalagay na ‘Office’. Pinaupo kami doon at naghintay saglit. Maya maya ay may lumabas na babaeng mid-2o’s. Maamo ang mukha nito at mukhang mabait naman.
“Good morning, Mam and Sir. You can call me Ms. Salvador. How can I help you?” Magalang na sabi nito. Maya maya ay dumapo ang tingin nito sa akin at nginitian naman ako. Ngumiti ako pabalik bilang paggalang.
“I want to enroll Isabela here. Please give to her all the things needed para makapasok na siya bukas.” Pormal na sabi ni Ninang. Tumango naman si Ms. Salvador at umalis na. Nginitian naman ako ni Ninang.
