Chapter 09 - Helpless

178 9 1
                                    

Author's Note:

Hello guys. Sorry kung ngayon lang ako nakapag-update. I'm really really sorry. Nawalan kasi ako ng internet sa bahay kaya nag-uupdate ako ngayon sa computer shop. Sana magustuhan niyo. Babawi po ako. Pramis.

--------- 

WARNING: Some scenes are not suitable for young readers. 

Chapter 09 – Helpless

 

 

Isabela’s POV:

Ilang linggo na ang lumipas, patuloy akong binu-bully ni Sabrina kasama ang mga kaibigan niya dahil daw inagaw ko ang boyfriend niya…

Binabato bato nila ako ng kung anu-ano katulad ng itlog, kamatis, at minsan yung malalaking bato, kapag uwian na. Ilang beses rin nila tinago yung P.E Uniform ko na nasa locker kaya lagi akong napapagalitan ng P.E Teacher ko. Ilang beses na rin nila akong binuhusan ng malamig na tubig habang nagbabanyo ako. At napakarami pang iba.

Ang totoo lang, gustung gusto ko nang sabihin kay Ninang lahat ng mga nangyayari dito sa eskwelahan. Pero binantaan ako ni Sabrina isang beses na kapag nagsumbong daw ako, mapapatalsik daw ako sa eskwelahan na ito. Ayoko namang ma-disappoint si Ninang kaya nagtiis na lamang ako na huwag sabihin…

Nagpapasalamat naman ako kahit papaano dahil naandiyan minsan si Tyler para ipagtanggol ako… na sa tingin ko eh, na siyang dahilan kung bakit nagagalit lalo si Sabrina sa akin. Naalala ko pa yung sinabi niya na…

 

“Malandi ka talagang babae ka! Ano bang binibigay mo kay Tyler para maging ganyan siya?! Katawan mo ba?! Hah! Di hamak na mas maganda ako sa iyo! Ahh. Alam ko na! Pera?!Teka teka. Di hamak na mas mayaman ako sayo ah?! Aish! Tigilan mo nalang siya pwede ba?!”

Hanggang sadumating ang araw na…

Naisipan kong kausapin si Tyler….

 

 

Nakita ko siyang nakaupong mag-isa sa isang waiting shed. Nilapitan ko siya at tinawag.

“Tyler…”

 

 

“Oh, Isabela,” nagliwanag ang mukha nito nang malaman niya na ako yung tumawag sa kanya at ngumiti ng malaki sa akin, “Bakit?”

 

“A-ano kasi,” nag-aalanganan kong sabi habang hindi nakatingin ng diretso sa kanya, “Una sa lahat, nagpapasalamat ako dahil pinagtatanggol mo ako sa mga nambu-bully sa akin. Sobra sobra talaga ang pasasalamat ko sayo…”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IsabelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon