Chapter 01 – Isabela
“Isabela!” Agad akong tumayo habang pinupunas ang basa at bumubula kong kamay sa aking damit. Pumasok ako sa loob ng bahay at iniwan ko muna ang labahin ko. Pinunasan ko ang tagatak kong pawis dahil sa init na panahon. Agad akong lumapit sa aking inay na kasalukuyang nakataas ang kilay sa akin.
“Ano yung nabalitaan kong pag-aaralin ka ng ninang mo sa Maynila?” Mataray na sabi sa akin ni Inay. Ngumiti ako ng medyo pilit dahil parang hindi ito masaya.
“Ahh. Oo, inay. Totoo po iyon. Pag-aaralin ako ni Ninang ngayong Fourth Year Highschool na ako. Makakatapos na po ako ng hayskul nay!” Masigla kong sabi. Nagulat na lang ako nang bigla nya akong sabunutan at pinagsasampal.
“Walang hiya ka! Hindi mo ba naisip ang kapatid mo ha?! Nandoon ang kapatid mo, binebenta ang katawan para magkapera at mabuhay tayo!” Napaiyak naman ako sa sinabi nya at pilit humiwalay sa pagkakasabunot sa buhok ko.
“I-Inay, ayaw nyo po ba yon? K-kapag po nakatapos ako ng pag-aaral sa hayskul, pwede na po akong makakuha ng magandang trabaho.” Nangingiyak ngiyak kong sabi.
“Hindi mangyayari yon! Kung ako sayo ibenta mo nalang rin yang katawan mo! Para magkaroon ka na rin ng kwenta!” Agad kong tinulak si Inay dahil sa sinabi nyang iyon. Pinunasan ko ang dumadaloy kong luha sa aking kaliwang pisngi at tumingin sa kanya.
“Inay, wag naman po kayong ganyan. Atsaka bakit po ba kayo ganyan? Dati naman po hindi naman kayo ganyan. Kung ang dahilan po non ay ang pag-iiwan sa atin ni Itay, pwe—“ Nanlaki ang mata ko at napatigil nang bigla akong sinugod ni Inay at sinakal hanggang ako ay mapahiga sa sahig. May luha rin sa mata nito at nanlalaking mata na nakatingin sakin na akala mo’y nababaliw na.
“Wag na wag mong idadamay ang tatay mo rito! Siya ang dahilan kung bakit tayo naghirap! Iniwan niya tayo at sumama sa ibang babae na kuha ang perang pinag-ipunan ko para sa inyo, mga anak ko!” Sigaw ni Inay na parang nababaliw na.
“T-tama na po, Inay.” Napahagulgol naman ako sa sinabi nya at pilit tinatanggal ang kanyang kamay sa aking leeg. Pero parang hindi nya ako narinig. Nakatingin lang siya ng nakakatakot sa akin.
“Alam mo Isabela, wala ka ring kwenta! Alam mo yon? Kamukhang kamukha mo ang tatay mo kaya di hamak na wala ka ring kwenta katulad ng tatay mo!” Nanlaki ang mata ko nang biglang humagulgol sa inay habang tinuturo ako, “Siguro, kunwari mag-aaral ka lang no? Tapos, iiwan mo rin ako, kami ng kapatid mo? Katulad ng tatay mo?” Tinulak ko si Inay palayo sa akin atsaka tumayo.