Dedicated sa dyosa kong kaibigan. Hello Jewel. So, enjoy. <3
Chapter 07 - Complicated
Isabela’s POV:
“B-bakit mo sinabi yon?” Naguguluhan kong tanong nang tumigil na siya sa kakahila sa akin. Nandito kami sa park at kasalukuyang kaming dalawa lang ang nandito dahil nga oras pa ng klase.
“What? Is there something wrong?” Sabi niya na parang nagtataka pero alam kong hindi totoo yung ekspresyon niyang iyon.
“Maling mali yon, Tyler. Sinabi mo sa kanila na girlfriend mo ako kahit hindi totoo.” Nakakunot noo kong sagot. Masyadong maraming emosyon ang humahalo sa katawan ko pero kailangan kong maging mahinahon dahil bago lang ako rito sa ekswelahan na ito.
“Sorry.” Maiksing sabi niya. Napabuntong hininga na lamang ako dahil hindi ko na alam yung sasabihin ko kaya mas pinili kong tumahimik na lang.
“Sorry talaga, Isabela. I just… I just like you kaya ko nagawa iyon.” Sabi niya pa. Hindi ako sumagot at tumungo na lamang ako. Hindi yon sapat na dahilan para magawa niya ang bagay na iyon at kakakilala pa lang namin kaya hindi ko pa siya masyadong kilala kaya naguguluhan ako.
“Bawiin mo na lang yung sinabi mo sa klase. Please.” Mahinang sagot ko.
“Okay. I promise. Patawarin mo lang sana ako…” Hindi na lang ako sumagot at umalis na sa lugar na iyon. Mamaya na lang siguro ako babalik ng klase pagkatapos ng tanghalian.
--------------
“Heyyy! Isabela!” Napalingon ako sa lalaking tumawag sa akin. Matangkad ito, maputi, at matangos ang ilong. Nakangiti ito sa akin nang malaki at mukhang masayahin. Parang si Tyler lang.
“B-bakit?” Tanong ko. Tumatawa naman siyang umupo at tumabi sa akin.
“Bakit hindi ka pa nakain? Lunch na ah?” Tanong niya pabalik sa akin. Napatingin ako saglit sa kanya bago sumagot.
“Hindi ako gutom.” Tahimik kong sagot bago ay tiningnan ko ulit siya na medyo nakataas ang kilay sa taka, “T-teka, magkakilala ba tayo?” Tanong ko. Napakunot noo ako nang kaunti nang ngumuso ito na parang nagtatampo.
