Hello guys! Can you please like my official page in Facebook? Just click the external link or just search on Facebook, ‘SuperPsychoLover Stories’. That’s all! Enjoy!
--------------
Chapter 05 – Liam
Chloe’s POV:
“Good luck on your first day!” Bati sa akin ni Ninang at hinalikan ako sa noo. Napangiti naman ako sa sinabi ni Ninang at nagpasalamat.
“Kaya mo na bang pumasok mag-isa? O gusto mong samahan pa kita?” Nakangiting tanong ni Ninang.
“Okay lang po, Ninang. Kaya ko na pong pumasok mag-isa. Maraming salamat po talaga. Sige po, pasok na po ako.” Ngiti ko saka pumasok na sa School. Kaunti pa lang ang mga estyudante roon kasi maaga pa lamang.
Nagulat ako nang biglang mag-ring yung cellphone na binigay sa akin ni Ninang. Hindi pa ako masyadong marunong pero tinuro na sa akin ni Ninang yung mga basic na kailangang gawin.
Agad kong sinagot ang tawag ni Ninang. “H-Hello?” Sabi ko. Ngayon lang ako nakagamit ng cell phone sa buong buhay ko sa totoo lang. Medyo nanginginig pa nga ang kamay ko sa paghawak nito dahil napakanipis nito na baka mamaya ay masira ko pa at magalit pa ang Ninang ko.
“Kaya mo yan, Isabela dear. Don’t be nervous, okay?” Napangiti naman ako nang kaunti dahil sa sabi ni Ninang. Kahit kailan talaga ay napakabait niya. Sana ay hindi na siya magbago.
“Opo Ninang. Salamat po ulit.” Sabi ko habang naglalakad na at hinahanap na yung Room ko.
“Nagpasalamat ka lang kanina ah? Haha.” Natatawang sabi ni Ninang.
“Alam nyo po, hindi po ako magsasawang magpasalamat sa inyo.” Nakangiti kong sagot. “Tsak—“ Nagulat ako nang may bigla akong nakabungguan kaya nahulog yung ilang libro ko na nasa braso ko.
“Pasensiya na po.” Paghingi ko ng tawad doon sa nakabungguan ko nang hindi tumitingin sa kanya habang pinupulot ko yung mga libro ko gamit yung isang kamay ko.
“Ninang, saglit lang po ah.” Sabi ko habang patuloy na pinupulot yung ilang libro ko. Naramdaman ko namang pinulot din nung taong nakabungguan ko yung iba at iniabot sa akin.
