They were amazed to see him at that state. Bigla niyang naisip si Asty. Pagtingin niya sa direction ng kakambal niya, he's still at his grown up state. 'Probably hindi magbabago ang itsura niya.' isip ni Tyler.
"Anyway, we have to go. Iwanan na muna natin si Asty." sabi niya.
Throwa is worried. Kung bumalik sa pagkabata si Tyler, malamang ay ganun din ang mangyayari kay Asty. At kung hindi pa sila magmamadali, maaaring mawala rin ang memorya nito sa kanya.
"Don't worry about Asty. He can manage." sabi ni Tyler. "For now, we have to go."
Walang kumikibo sa kanila habang patuloy ang byahe nila. Katulad ng sabi ni Tyler kanina, iniwan na muna nila si Asty sa laban nya sa lalaking hindi pa nila alam kung kaninong clan nanggaling. Hinawak-hawakan ni Hyna si Tyler sa pisngi.
"Ang cute mo, Tyler!" sabi ni Hyna. "Pwede kang maging child model sa TV."
Nakangiti lang si Tyler. "I don't really want to see myself like this."
"Anyway Tyler, talagang nakalimutan mo kami kanina?" tanong ni Yhaen na nasa tabi lang ni Hyna.
"Yeah. I totally forgot. Buti na lang may ginawa si Throwa."
"How about magic, Tyler?" tanong ni Throwa.
Saglit na nag-isip si Tyler. He opened his small right hand. Biglang lumitaw ang isang bolang apoy.
"I guess I still have them." He closed his hand after. Nawala na ang apoy.
Nagkakagulo naman ang mga kaangkan ng Devour dahil na rin sa kakaibang pangyayari na nangyayari sa mga kaangkan nila. Karamihan sa mga descendant ni Dawn ay unti-unti nang nawawala. At dahil nawawala din ang mga ala-ala nang mga taong connected sa kanila, hindi yon gaanong napapansin ng iba nilang mga kamag-anak.
Mabilis na pumunta si Marina pagtawag sa kanya ni Donya Milagros sa telepono. May nangyari daw kina Asty at Tyler. Pagdating niya, nakita niya ang current na itsura na ni Donya Milagros. Bumata ang itsura nito. Nasa sala sila noon, sa bahay ni Dawn Devour.
"L-lola?" tanong niya.
"Hija," bati nito sa kanya. "Nagulat ka ba sa nangyari sa akin?"
"What's happening Lola?" tanong ni Marina.
"It seems na umeepekto na ang consequences ng pagdating ni Dawn sa panahon natin hija, kaya nagkaganito ako."
Bigla niyang naisip ang kambal. 'Kung nagkaganito si Lola, malamang ay ganon din sina Tyler at Asty. At delikado sila ngayon kung ganon!'
"You know what I wanted you to do, right Marina?" tanong ng Lola nila.
Alam niya ang sinasabi ng matandang Devour. Her Lola is a clairvoyant. Kaya nitong makita ang mga bagay kahit hindi niya pisikal na nakikita. Yun ang dahilan kung paano namomonitor ng matanda ang kambal although madalas syang matakasan ng dalawa dahil na rin sa kapangyarihang namana nila kay Dawn Devour.
"Nasan sila ngayon, Lola?" tanong niya.
"Papunta sila ng Batangas. Gumagalaw sila ngayon. That's why I asked for help."
"Help nino Lola?" tanong niya.
Out of thin air, may lumitaw na isang gwapong lalaki. Kasing tangkad ito ni Asty. He's the lead vocalist of the famous BAD.
"Hi Marina! How are you?" tanong nito agad sa kanya.
Napangiti siya. Who would've thought na makikita niya uli si Seiya. Nakalaban niya ito noon pero naging magkasundo rin sila dahil na rin sa laging pagsama niya sa Lola nila Tyler.
BINABASA MO ANG
Series of Shadows: The Battle of Clans
FantasyIn her vision, there was a man walking towards a frightened girl. Umiiyak ang babae habang unti-unting nasusunog ang katawan nito. Hindi kilala ng matanda ang babaeng yon. Marahil ay kaaway yon ng binatang Devour. Aside from Dawn, may nakita syang i...