Mission Twelve: Seiya and Marina

158 17 1
                                    

"Kailangang umuwi muna tayo para makapagpalit tayo ng damit. Basang-basa tayong lahat dahil sa ulan." sabi ni Carlos, pagsakay nila sa sasakyan.

"Iiwanan natin sila Seiya at Marina dito? I thought papanoorin natin ang laban nila? Sayang naman!" sabi ni Yhaen na nasa tabi na ni Hyna.

"Kailangan na rin ata nating iwan si Tyler sa condo." sabi ni Hyna.

Napatingin silang lahat sa pwesto nila Tyler sa likuran ng van. Grabe na ang pawis nito sa mukha nito. Halos mamula-mula na rin ang mga pisngi nito, malamang sa sobrang taas ng lagnat niya.

Naglabas ng panyo si Hyna at pinupunasan ang mukha ni Tyler. Tyler is not opening is eyes.

Napatingin naman si Throwa sa tabi ni Carlos. Asty's eyes were closed as well. Pero kumpara kay Tyler, mukhang mas okey naman sya.

"What do you think guys? Umuwi muna tayo para makapagpalit tayo ng damit?" tanong ni Throwa sa mga kasama niya.

"Pero pano kung maubusan tayo ng oras Throwa?" tanong ni Leeone. "Remember, nakabalik na si Tyler sa  year old nyang sarili. Who knows, baka ilang segundo lang hindi na tayo magkakakilala."

"Wala ba kayong magic para matuyo yung mga damit natin in an instant?" tanong ni Lee. Pinupunasan nito ang buhok niya. He's soaking wet.

At dahil halo-halo sila sa loob ng van, hindi nila namalayan na medyo off pala na lahat sila ay basang-basa. Obviously, sa mga lalaki, they could easily see what the girls are wearing underneath their shirts. Hapit na hapit ang mga damit nila sa katawan nila.

Nang marealize ni Vyolene na namumula si Xynan habang lihim na sumusulyap sa kanya, tinakpan niya ng todo ang katawan niya. Mukhang napansin yata ni Lee.

"Carlos, bago tayo umalis, pwede bang magchange tayo ng pwesto?" tanong ni Lee.

"Ha? Bakit?"

"Ah kase we're wet? Di ba? At may mga kasama tayong babae?" Lee stressed out.

Mabilis ang naging pagtingin ni Hyna at Leeone kay Yhaen. Nakasandal lang ito sa van, nakapikit din. Pareho sila ng inisip ni Hyna, Leeone thought.

"Ang mabuti pa, let's teleport back to the condo saglit para magpalit ng damit. After that, balikan natin sila Seiya and Marina dito." sabi ni Carlos. "Xynan, i-teleport mo tong van."

Xynan teleported the van to the parking space  ng condominium nila. Since madaling araw na, wala na ring nakapansin ng bigla nilang pagsulpot don. There were cameras around the parking area. Nang makababa sila Throwa sa van, ikinumpas ni Throwa ang kamay niya. Sumabog ang mga ito.

"Bakit mo naman ginawa yon?" tanong ni Lee. "Baka malagot yung management."

"Mas malalagot tayo kapag nakita nila yung bigla nating pagsulpot dito. At least kapag nasira, marerealize nilang nagmalfunction lang yung camera."

Tumango-tango naman si Lee, Yhaen at Carlos.

"By the way Carlos, may ginawa ka ba kanina don sa isa nilang kasama? Yung soul eater?" tanong ni Throwa.

"Why do you ask?"

"I just felt you did something with him."

Carlos smiled. "Don't worry about it. Sa ngayon, magmadali muna tayong magpalit ng damit. We need to get back to Seiya and Marina."

"Guys, pano si Tyler? Iiwan na ba natin siya sa condo?" tanong ni Hyna. Buhat-buhat niya si Tyler na wala pa ring malay.

"Teka, nasan si Asty?" tanong ni Throwa.

Series of Shadows: The Battle of ClansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon