Malalim na ang gabi. Pinagpapawisan ng malamig si Tyler at pabaling-baling siya sa kama. May isa siyang imahe na nakikita sa panaginip niya at tumatawa ito ng malakas.
Pagmulat ng mga mata nya, hindi niya masabi kung paano siya napunta doon sa lugar na pinagtataguan nila ng libro. Hawak-hawak na niya ito at nakabukas ang libro. Umiilaw din ang mga letra sa librong yon.
'Paano ako napunta dito? And why am I holding this book?'
Hindi niya alam, may isang anino na nasa kanyang likuran. Ngumingiti at akmang hahawakan siya.
Lumapag sa NAIA ang pribadong eroplano na galing sa Europa. Pagbaba ng babaeng yon sa eroplano, may umalalay na sa kanya para dalhin ang mga luggage niya. Meron din siyang kasamang nagpapayong para sa kanya. She's almost 5'9". Maputi ang kulay ng balat. Medyo may pagkablonde ang buhok. Nakaponytail ang mahaba nitong buhok na hanggang baywang. Maganda ang pangangatawan nya na parang pangmodelo. Bakit nga ba hindi? Isa siya sa mga top model ng mundo. Sa katunayan, kasama pa siyang nagmomodelo sa Victoria Secret.
Tumingin ang babaeng yon sa langit, saka nito tinanggal ang suot na shades. Tumambad ang halos kulay berde nitong mga mata. Matangos ang ilong niya at mamula-mula ang mga labi. Napakaganda ng babaeng yon. Yun ang tipo ng babae na kahit hindi maglagay ng kolorete sa mukha, mas maganda pa sa mga artista sa Pilipinas.
'It is so hot!' sabi nya sa isip niya.
Kinuha niya ang cellular phone sa bulsa niya. Hindi naman alam ng mga fan nya, kung meron man sa Pilipinas, na darating siya. May concert kasi ang pinsan nilang si Sei at niyaya sila nito na manood. Gusto ring ipakilala sila ni Sei sa malayo nilang kamag-anak na kambal, galing sa angkan ng mga Devour, ang anak ng tito nilang si Aries.
She dialled her cousin's phone number. May usapan sila nito na magkikita sa Pilipinas. Sabay silang ipapakilala ni Sei.
"Hello?" tanong ng nasa kabilang linya.
"It's me, Alesha." sabi niya. "I'm already here. Where are you?"
"My plane just landed in NAIA 3." sabi ng nasa kabilang linya. "I already bought a property near here. Do you want to come with me?"
"Of course I do. Buy a car as well. You know I can't just commute." sabi niya.
Natawa ang nasa kabilang linya. "I'm no racer if I don't have a car. My manager already brought one three days ago. They will bring that car in here. See yah later Alesha."
"Yeah, See you, Janri."
This is already copyrighted. All Rights Reserved to asty_devour and shentiments 2001 ©
BINABASA MO ANG
Series of Shadows: The Battle of Clans
FantasyIn her vision, there was a man walking towards a frightened girl. Umiiyak ang babae habang unti-unting nasusunog ang katawan nito. Hindi kilala ng matanda ang babaeng yon. Marahil ay kaaway yon ng binatang Devour. Aside from Dawn, may nakita syang i...