"Sino kayo at anong ginagawa ko dito?" naguguluhang tanong ni Kzael. Hindi niya natatandaan ang dalawang lalaking nakatingin sa kanya sa labas ng nakapark na kotse niya. Actually, hindi rin niya maalala kung bakit naroroon siya sa subdivision na yon.
Nagulat na lang si Kzael kaninang nagtangkang pumasok sa sasakyan ang lalaking hindi niya kakilala na galing sa loob ng isang mansyon sa subdivision na yon. Mabilis niyang nilock ang mga pinto ng kotse dahil may control siya sa driver’s seat. Ibinaba niya ang wind shield sa tabi niya saka niya tinanong ang lalaki.
Nakakunot ang noo ng lalaki at nakatingin sa kanya. Ilang minuto nga lang ay may isa pang lalaki na lumabas na mansyon at lumapit sa lalaking nasa labas din ng kotse nya.
"Ako si Rafaelo at siya si Dawn." Pakilala ni Rafaelo kay Kzael. "Hindi mo ba talaga natatandaan?"
Umiling si Kzael. "Ako si Kzael. Nice meeting you mga, pre."
Ikinuwento nila kay Kzael ang naging adventure nila sa mga nakaraang araw at gabi na kasama nila sya pati na rin kung bakit kailangan nilang bumalik sa nakaraan. Tila wala talagang naaalala si Kzael na kahit ano sa mga nangyari.
"Bakit ako maniniwala sa inyo?" tanong ni Kzael.
"Dahil kakilala namin ang mga kaibigan mo Kzael. At hinahanap din nila ang angkan ng Verden ngayon para maibalik kami sa nakaraan." Sagot ni Rafaelo.
Lumapit si Dawn kay Kzael. Inilapat niya ang dalawang daliri sa sintido ni Kzael. Maya-maya lang ay parang mga nakikitang imahe si Kzael. Yon ay ang mga nangyari so far sa adventures nila. Nang matapos ipakita ni Dawn ang mga yon kay Kzael, mukhang nakumbinse na nila ito kaya pinapasok sila ni Kzael sa sasakyan.
"Kung may mahika pala na kayanng pumatay sa lahat ng Aquinox, bakit hindi mo gamitin yung mahika na yon para tapusin ang buong angkan ng Aquinox para hindi na tayo mahirapan?" Kzael asked.
Kailangan daw nilang maghanap ng lugar na pagtataguan, sabi ng lalaking seryoso sa dalawa na kaharap nya non. Mukha naman talagang kilala siya ng dalawa kaya sumama siya. Naghanap sila ng bakanteng lote, kasama sina Dawn at Rafaelo. Doon daw nila gagawin ang ritual Ang gagawing mahika ni Dawn ay ang pinagsanib na kaalaman ni Dawn at ni Ivan, ang kapatid nito sa labas.
Nang makahanap sila ng isang pwesto na hindi masyadong dinaraanan ng tao, ikinumpas ni Rafaelo ang kamay niya at may isang vertical na linya ng kulay asul na liwanag ang pumalibot sa bakanteng loteng yon. Nang makoberan lahat ng area kung saan pwedeng may dumaan, biglang nawala ang liwanag. Lumapit si Kzael kay Rafaelo. Lumabas siya sa lote, sa tapat lang nito. Na-amaze sya sa nakita. Hindi niya makita sila Rafaelo.
Pagpasok niya uli sa lote, nakangiti sa kanya si Rafaelo.
“Huwag kang mag-alala, walang makakita sa atin sa labas.” sabi nito.
Sa di kalayuan, nakatayo si Dawn at nakapikit. Sinenyasan siya ni Rafaelo na huwag lumapit kay Dawn. Manonood lang sila mula sa malayo. Nakaharap sa kanila si Dawn.
Unti-unting napalibutan ng hangin sa pwesto ni Dawn. At habang nangyayari yon, lumitaw uli ang mga marka niya sa kamay. Nagkaron ng isang bola ng kulay pulang liwanag sa pagitan ng dalawa niyang kamay. Nagsunod-sunod pa ang kidlat sa langit, na para bang nagbabadya ng isang malakas na bagyo.
“Ker dan voar suhn paz kai. Aran dei Aquinox ken dahl. Linro mah zie khorta. Yfeshta hai.”
Sa bawat syllable na sinasabi ni Dawn na hindi naman naiintindihan ni Kzael, nag-iiba ang kulay ng liwanag sa kamay ni Dawn.
Nang magmulat ng mga mata si Dawn, iba na ang kulay nito. Natakot si Kzael dahil yun ang kauna-unahang beses na makakita sya ng ganong klase ng mata. Medyo madilim sa lugar kung saan sila nagpunta pero ang mga mata ni Dawn, they are glowing with bloody red color. Itinaas ni Dawn ang kamay niya then suddenly released the light. Kumalat ito na parang mga alitaptap, kasama ng hangin na parang tinawag ni Dawn kanina.
BINABASA MO ANG
Series of Shadows: The Battle of Clans
FantasíaIn her vision, there was a man walking towards a frightened girl. Umiiyak ang babae habang unti-unting nasusunog ang katawan nito. Hindi kilala ng matanda ang babaeng yon. Marahil ay kaaway yon ng binatang Devour. Aside from Dawn, may nakita syang i...