“Ano?” tanong ni Vyolene. Hindi siya makapaniwala sa naririnig. ‘Ano ‘tong pinagsasabi ni Xynan?’
“Sabi ko, I’m in love with you.” Nakayukong sabi ni Xynan.
“Seryoso ka ba?” tanong ni Vyolene.
Seryoso pa rin ang mukha ni Kzael. Pinapakinggan niya ang isip ni Xynan. Totoo ang sinasabi nito. Pagbalik niya kay Vyolene, wala siyang marinig.
“Oo naman, ang isang Verden, hindi nagsisinungaling.”
“Gusto mo nang marinig ang sagot ko ngayon?” tanong ni Vyolene sa kanya.
“Dapat siguro manligaw muna ako.”
Umiling si Vyolene. “Hindi ka kailangan.”
Naputol ang pakikinig nila nang biglang magsalita si Tyler.
“Our lola want’s to meet all of you, right Asty?” tanong ni Tyler kay Asty. Hindi sumagot si Asty. Pero parang kinonfirm nito ang sinabi ni Tyler. Tumango ito.
“Also, it seems Seiya will stay for a while. At least a day, baka gusto nyong makasama sya.”
“Yeah, ako Tyler, gusto kong magpa-autograph kay Sei!” sabi ni Leeone.
Nagtaas naman ng kamay sina Zach, Xavier at Hyna. “Kami rin!”
Natawa lang si Tyler. “Ngayon na ba tayo pupunta?”
“By the way, is Marina still in your house, Asty?” tanong ni Throwa.
“Yeah. It seems napagod sila sa pagtulong sa min, so she’s resting sa guestroom malapit sa kwarto mo sa house.” sagot ni Asty.
Throwa sighed. ‘At least she helped us. Hindi ko na dapat siya pagselosan.’
Pagdating nila sa subdivision sa Corinthian Gardens, na-amaze na naman ang grupo nila Hyna. Ibang klase pala ang pamilya nila Asty at Tyler. Halos kasing-yaman nila si Kzael. Syempre hindi na masyadong nagulat sina Carlos at Yhaen. Nakita naman na nila kasi ang bahay nila Asty.
It was a big white house, na may limang sasakyan na nakapark sa carport. There was also a dog. Chow-chow ang breed. Pagkababa nila mula sa van ni Kzael, naunang pumasok sina Asty at Tyler. Agad silang kinamusta ng guard.
The dog, Aidan was wagging its tail kay Throwa. Lumapit pa rin si Throwa dito, katulad nang una niya itong makita after ilang years, kasama sila Hyna.
“Ang cute cute naman nito!” sabi ni Hyna. Hinimas-himas nya ang ulo ng aso. Unexpectedly, hindi tumatahol si Aidan. He’s just happy.
Pagpasok sa bahay, isang katulong agad ang sumalubong sa kanila.
“Nasa garden po si Donya Milagros, senyorito.” sabi nito kay Tyler. Dumiretso naman si Asty sa taas ng bahay. Mukhang agad itong tutungo sa kwarto niya.
There was a big portrait ni Dawn Devour sa sala ng bahay. The floow was made of wood. Mukhang makaluma ang bahay pero elegante tingnan.
“Okay, maghanda kayo ng pagkain para sa kanila.” sabi ni Tyler.
“Masusunod, senyorito.”
Bumaling si Tyler sa mga kasama niya. Palingon-lingon ang mga ito sa paligid. Malaki kasi ang sala nila. Kung sa isang normal na bahay, ang sala nila ay magmumukhang grand hall.
“Guys, puntahan na natin si Lola sa garden niya.”
Aristokrata. Yan ang description na unang naisip nila nang una nilang makita ang lola nila Tyler. Halata sa kilos at aura nito na laking mayaman at may-kaya ang matanda. Isa-isa sana silang magmamano sa matanda ngunit nakipagbeso-beso na lamang ito sa kanila. Nakita nila ito sa Gazebo, habang nagbabasa ng dyaryo.
BINABASA MO ANG
Series of Shadows: The Battle of Clans
FantasyIn her vision, there was a man walking towards a frightened girl. Umiiyak ang babae habang unti-unting nasusunog ang katawan nito. Hindi kilala ng matanda ang babaeng yon. Marahil ay kaaway yon ng binatang Devour. Aside from Dawn, may nakita syang i...