Unang araw ni Rafaelo at Dawn sa 21st century. Para sa kanila ay para silang nasa ibang mundo bagaman nasa iisa at parehong bansa sila. Nasa 1600s sila nang dumating ang kanilang angkan sa Las Islas Filipinas. Sinong mag-aakala na makakadating sila sa hinaharap.
"Rafaelo eto ang bahay namin." sabi pa ni Throwa.
Lumingon lingon sa paligid si Rafaelo. Malinis at maayos ang hardin at ang buong paligid ng bahay. Hindi pa nila nadadatnan sa bahay ang mga magulang at kapatid ni Throwa.
"Did you like the garden?"
Napansin kasi ni Throwa na nakatitig si Rafaelo sa garden malapit sa pool. Rafaelo stared back at her. As if hindi naiintindihan ang sinabi nito.
"Ang ibig kong sabihin, nagustuhan mo ba ang hardin?" ulit na tanong ni Throwa.
"Maravillosamente sorprendente, el agujero se llena con agua.. (wonderfully surprising, the hole is filled with water)". Nasabi yon ni Rafaelo na may kasamang pagkamangha sa kanyang tinig habang nakatitig sa swimming pool.
"Ahm anong sinabi mo? Hindi ko naintindihan eh.." takang tanong ni Throwa.
Ngumiti si Rafaelo at hinarap si Throwa. "Ipagpaumanhin mo binibini, ang ako'y namamangha lamang sa malaking butas na ito at hindi ko maisip kung ano ang nagagawa ng bagay na ito sa iyong bahay?"
"Ah." sabi ni Throwa, "- ang tawag dyan swimming pool, dyan kami lumalangoy at…"
"Ibig mong sabihin ay maaring lumangoy dyan?"
Tumango si Throwa.
"At ang mga lampara na iyon ay hindi nababasa man lang.." Ang tinutukoy ni Rafaelo ay ang mga ilaw na na nakapalibot sa swimming pool.
"Ang buong akala ko ay lagayan yan ng mga isda." dagdag pa ni Rafaelo.
Bahagyang natawa si Throwa. Yun ang eksenang nadatnan ng pamilya ni Throwa.
"Sino siya, ate?" tanong ni Raiden.
Napalingon si Rafaelo sa dako ng mga bagong dating. Tiningnan nya si Throwa.
"Sya si…" tanong ng mama at papa ni Throwa.
"Ako si Rafaelo Kashmir."
Hindi na siya tinanong ng mama at papa nya ng tungkol kay Rafaelo nang gabing yon. Nagtanong pa sya kay Raiden kung meron siyang maipapahiram na damit kahit T-shirt lang kay Rafaelo, although mas matangkad si Rafaelo sa kapatid niya. Meron namang nagkasya kahit papano, kaya nga lang habang wala pa silang paraan para maibalik sila sa nakaraan, kailangang makabili sila ng damit ng binata. Hindi naman maaaring laging mga damit lang ni Raiden ang isusuot ng binatang Kashmir.
Naisipan niyang tawagan si Kzael. Hindi rin kasi available si Raiden na samahan sya para bilhan ng damit ni Rafaelo. At hindi rin available sila Asty at Tyler dahil marami rin itong mga inaasikaso, kagaya ni Dawn.
"Talaga?"
Bahagyang natawa si Kzael. Naikwento niya ang tungkol sa reaction ni Rafaelo sa swimming pool nila sa bahay.
"Oo nga. Anyway, hindi available si Raiden kaya kung available ka ikaw na lang sumama kay Rafaelo bukas." sabi ni Throwa na nasa kabilang linya.
"Ok sige, ako na bahala kay Rafaelo."
"Kzael," warning niya sa binata, "- shopping lang gagawin nyo okay? Baka kung anong kolokohan ang ituro nyo kay Rafaelo, lagot talaga ang SHADOWS sa akin."
"Yes Throwa, ako na bahala okay? Don't worry. Ang babait kaya namin."
"Okay. Bye Kzael. Thanks!"
BINABASA MO ANG
Series of Shadows: The Battle of Clans
FantasiIn her vision, there was a man walking towards a frightened girl. Umiiyak ang babae habang unti-unting nasusunog ang katawan nito. Hindi kilala ng matanda ang babaeng yon. Marahil ay kaaway yon ng binatang Devour. Aside from Dawn, may nakita syang i...