Mission Nineteen: Finally Settled

134 14 0
                                    

Bago makaalis sina Dawn at Rafaelo, mukhang nawawala na ang spell na ginawa ni Rafaelo at nagising ang mga myembro ng Shadows at Pegasus. Nakita nila ang malaki at maliwanag na portal sa gitna ng area ng mga Verden. It was like seeing a concert kung saan maliwanag na maliwanag.

“B-bakit ang liwanag?” tanong ni Carlos. Pabangon na ito mula sa pagkakaupo at pagkakasandal sa pader na malapit sa pinto ng rooftop.

Nakahawak naman si Lee at Yhaen sa ulo, mukhang masakit ang mga ulo nito. Sa di kalayuan naman ay tumayo na rin si Radcliffe at Athan. Same with the girls.

“Nakatulog yata tayo.” sabi pa ni Carlos.

Lumapit sila kay Throwa na nakamasid lang sa ginagawa ng mga Verden. Mukhang naramdaman ni Throwa ang pressence nila kaya bigla siyang nagsalita.

“Nabuksan na nila ang lagusan.” sabi ni Throwa.

Napatingin lang sila Carlos sa portal ng mga Verden. Mukhang ready na rin sina Dawn at Rafaelo sa pag-alis. Papunta na sila sa portal. Biglang humarap sa kanila sina Dawn at Rafaelo. Nakangiti ang mga ito.

‘Kamukha niya talaga si Asty at Tyler. Especially now, na nakangiti na siya.’ Isip ni Throwa.

“Oras na para magpaalam kami sa inyo.” sabi ni Dawn.

“Ikaw na ang bahala kay Throwa, Asty. Ipinagkakatiwala ko na siya sa iyo.” sabi ni Rafaelo.

Hindi sumagot si Asty. Napatingin si Throwa sa boyfriend niya, mukhang hindi pa rin siya nito naaalala. Pagtingin niya kay Rafaelo, ngumiti ang binata sa kanya.

“Natutuwa ako na nakilala kita Throwa. Ipaabot mo kay Raiden at sa iyong ama at ina ang aking pasasalamat. Ingatan mo ang iyong sarili.”

“Dito na magtatapos ang problema ng inyong grupo.” sabi ni Dawn. “Magiging normal na ang lahat pagkatapos nito.”

“Tama ka Dawn. Kaso parang nakakalungkot ata ang pag-alis nyo. Yun eh kahit hindi namin kayo masyadong maalala na.” sabi ni Leeone.

“Masaya kami ni Dawn na nakilala namin kayo.” Dugtong ni Rafaelo.

Naputol ang pag-uusap nila nang biglang magsalita si Nhea ng Verden.

“Kailangan nyo nang pumasok sa lagusan, Dawn, Rafaelo.” sabi nito.

Tumango naman ang dalawa.

“Ikinagagalak namin kayong makilala. Mag-iingat kayo.” sabay na sabi ni Dawn at Rafaelo.

“Mag-iingat kayo.” sabi ni Carlos, Nakangiti.

Napangiti si Dawn, saka tumalikod na sa kanila. “Hindi isang Dawn Devour ang kailangan mong sabihan nyan. Sila ang mag-ingat sa kin.”

At via telepathy, Dawn sent his message to the Verden clan.

‘Salamat Verden.’

Tumungo na sila sa lagusan. Unti-unti na silang nawala. Pagkapasok nila Dawn at Rafaelo, a big bright light ang biglang sumabog. It was dispersed in the area. Nawala na rin ang star sa sahig ng rooftop. Nakabalik na sila sa nakaraan, they thought.

“Salamat naman at natapos na!” sabi ni Yhaen. Nagstretching pa ito.

Bumalik na ang lahat sa paligid. Lumapit ang apat na Verden, sina Aishen, Nhea, Max at Khmer sa katawan ni Clara. Binuhat ni Max ang pinsan nila.  Hindi nila maintindihan pero parang lumalambot ang katawan ng bangkay.

“What is happening to her?” tanong ni Nhea.

Nagulat sila nang biglang magmulat ng mata si Clara. She’s alive.

Series of Shadows: The Battle of ClansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon