Mission Fifteen: Braganza

188 14 6
                                    

"Sino naman ang mga yan?" tanong ni Zach.

Ang tinutukoy ni Zach ay ang apat na lalaking lumitaw sa parking area ng nila nula Kzael.

Maamo ang mukha ng unang lalaki at halos nasa 5'6 ang height nito. He had dark brown eyes na meron kapartner na makapal na kilay. Kulot ang buhok nito na halos matakpan ang kanyang mga mata.

Unlike the first man, mas matapang ang mukha ng pangalawang lalaki, at mas matangkad ito ng kaunti. Ang height niya ay nasa 5'8. He had a dreadlocked hair na hanggang baywang niya.

Medyo weird ang aura ng pangatlong lalaki kumpara sa dalawang kasama niya, dahil the whole time, his eyes are closed. Animo'y sadya nitong iniiwasan na buksan ang mga mata nito.

The fourth man was like their father. Mukhang malakas ito sa unang tingin.

"Baka kabilang sila sa Aquinox." sagot ni Leeone na katabi noon ni Zach.

Dali-daling pumunta ang grupo nila Throwa sa kinaroroonan nila Carlos. Sama-sama sila sa tabi ng van at pinakikiramdaman ang apat na lalaking kaharap nila.

"You're group is causing a lot of troubles to our clans." sambit ng lalaking mukhang tatay ng tatlong binata.

"Sino kayo?" tanong ni Throwa. "Hindi naman kayo kakilala."

"Galing kami sa angkan ng Braganza."

"Braganza?" tanong ni Tyler. 'Parang kasama sila sa mga kalaban ni Dawn dati.'

"Kung hindi kayo kabilang sa mga Devour, huwag na kayong makialam. Umuwi na lang kayo sa mga bahay nyo at magpahinga." sabi ng lalaking may maamong mukha. "Mukha kayong mga college students, kagaya namin."

"Mga kaibigan namin ang mga Devour. Hindi namin hahayaan na saktan nyo sila." sambit ni Carlos.

Natigilan silang lahat nang biglang dumugo ang kanang balikat ni Carlos. Hindi naman umaatake ang apat na lalaking kaharap nila.

Napaluhod si Carlos. 'Anong nangyari?'

Inalalayan naman siya nila Lee at Yhaen.

"Magagaya kayo sa kanya kung hindi kayo titigil sa pakikialam." sambit ng lalaking may dreadlock na buhok.

"Throwa." Bulong ni Tyler sa babae na katabi niya noon. "Delikado tayo sa mga yan."

Napatingin si Throwa kay Tyler. He had a serious face.

"Bakit?" tanong niya.

"I think I know what their powers are. Maliit ang chance nating manalo sa mga yan kung hindi natin papaalisin sina Carlos, at sina Hyna."

"I don't understand you, Tyler. Anong kapangyarihan meron sila?"

"Have you heard the power na umaatake bago mo pa malaman na inaatake ka na?"

"Ha?"

"For example, if they fire a bullet now, tatamaan na tayo bago pa natin marealize na umatake na sila."

Napatingin si Throwa sa mga kaharap. 'Kung hindi namin alam na umaatake na sila, ibig sabihin, hindi namin maiiwasan ang mga gagawin nilang attack.'

"Yeah." sagot ni Tyler. Binasa niya ang isip ni Throwa. "Exactly Throwa. That's what they call Absolute Attack. Kung nandito si Seiya, malamang matutuwa sya na labanan ang grupong yan."

"Because of his defense."

"Yes. That's right."

Napaisip si Tyler. 'What are you going to do, Asty? If you are in my position?'

Series of Shadows: The Battle of ClansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon