CHAPTER 28

3.2K 108 2
                                    

Resignation letter...

Napadilat ako sa lakas ng alarm ko , agad ko itong inabut sa may bedside table ko at pinatay ang alarm switch nito. Bumangon ako at nagbinat, napatingin ako sa envelope na nasa tabi ng alarm clock ko , ngayong araw na ako mag reresign mismo sa company ni Leo, ang bilis lang ng araw. Kahapon lang ako naka uwi dito sa bahay at ang una ko talagang ginawa ay ang magpahinga ng maayos tapos ay gumawa na agad ako ng resignation letter na ipapasa ko ngayon din. Linggo lang naman kasi ang walang opisina doon kaya meron sila ngayon dahil sabado.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis ng formal na suot. Na alala ko pa itong pencil skirt natu ang suot ko noong muntikan na akong ma biyak ni Leo sa office namin at ito ang sinuot ko bilang pagpapaalam na sa kanya ngayon.

Napangiti ako ng mapait, alam kong maging payapa narin ako pati narin sila ni Rose.

Pagkatapos kong kumain ng breakfast ay agad akong lumabas ng bahay para sumakay ng taxi. Pero biglang may itim na kotse ang nag park sa harap ko.

Bumokas ang window nito at nakita ko si Sam.

" hop in "

Sabi nito at agad na binuksan ang pinto ng kotse nya. Pumasok ako at sinara agad iyong pinto.

" Goodmorning "

Bati nito sa akin at agad na pinaandar ang kotse nya.

" Goodmorning din Sam. Saktong sakto ang dating mo ah "

Ngumiti sya habang nakatuon ang mata sa kalsada.

" oo naman, ako pa. Ikaw ? Ready ka na  ba ?"

Saglit akong sinulyapan nito.

" Oo , ready na ako Sam. Kailangan eh "

" kaya mo yan Jessa, basta pag kailangan mo ako nandito lang ako . "

" Salamat Sam "

Ilang sandali lang ay narating na namin ang building ni Leo.

" salamat sa pag hatid Sam, mag iingat ka "

" okay ka lang ba talaga ? Baka gusto mo samahan nalang kita sa loob at sa baba nalang ako maghihintay sayo "

Umiling ako at ngumiti sa kanya.

" no need okay? , . May trabaho kang maiiwan sa office mo, and besides okay lang talaga ako "

Ngumiti ito sa akin at agad kong binuksan ang pinto.

" bye , mag iingat ka ha "

Tumango ito saka ako lumabas sa kotse nya.

" call me if you need me .. okay ?"

Ngumiti ako at tumango, saka ko sinara ang pinto ng kotse nya. Nag wave ako ng umandar na ito pa alis. Saka ay humarap sa building ni Leo, tiningala ko ang window glass ng office namin at huminga ng malalim.

This is it Jessa, masakit man itong gagawin ko pero kailangan. Ayokong magkaroon pa ako ng kahit anong ugnayan sa kanya.

Agad akong pumasok sa building at dumeretso na sa office namin. Nasa tapat na ako ng pinto, nag stop muna ako and for the second time huminga ako ng malalim saka ko binuksan ang pinto .

Nagtama ang mga mata namin ng tuloyan na akong pumasok sa loob. Malalim ang mga mata nito na nakatingin sa akin, at dahil sa sobrang kaba ko ay parang hindi na ako makahinga ng maayos.

Bumaba ang tingin nya sa brown envelope na dala ko at umiwas ng tingin at nakatingin na ito sa laptop nya. Agad akong nagtungo sa table ko at kinuha ang mga gamit ko doon , may headset kasi ako dito, baso at toothbrush. Kinuha ko iyon kung saan ko tinago at nilagay ko sa bag ko.

ONE IN A MILLIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon