Kabado akong naglalakad papasok sa loob ng RU(REYES UNIVERSITY)ito ang unang araw ko dito as grade 7.
Manghang-mangha ako sa desenyo at landscape sa loob ng paaralan idagdag pang napakalaking school ang RU kaya pala maraming tulad kong gustong-gusto makapasok dito.
Napaka-ganda at napaka-elegante...
Napatingin sa hawak kong papel kung saan nakasulat ang sched ko.
ROOM 303 ang firstclass ko nasa leftwing kaya nagmamadali akong naglakad patungo sa elevator.
Yes,sosyal ang paaralang 'to at napaka-swerte kong nakapasok dito as scholar.
Pinindot ko kaagad ang 3...
Medyo nahihilo ako ng kunti ng maramdaman ko ang paggalaw nito.
Pumikit ako saglit para mawala ang hilo ko.Pagdilat ko nahagip sa mata ko na may maliit palang stainless bar na pwedeng hawakan kaya hinawakan ko kaagad at doon kumuha ng lakas.
Nang makita ko ang no.2 biglang bumukas at may 4 na lalaking pumasok.
Bahagya akong sumiksik sa gilid para magkatabi silang apat.
Mabuti nalang at wala silang paki kung may tao bang nakasakay sa loob.
They talked and laughed.
Tahimik lang akong nakikinig sa pag-uusap nila.
"Tss.nakakatawa akala ko di na ako magkaroon ng chance na makapasa.Galit kasi ang adviser natin sa akin."natatawang sabi ng lalaking maputi at may dimple sa magkabilang cheeks.
"Eh kasi gago ka!"singhal sa isa na medyo tan ang balat at singkit ang mata.
"Hahaha!inutusan lang naman ako ni Cobi na lagyan ng red dye wax ang chair ni maam kaya pag-upo nito nagkaroon ng red stain ang puti niyang palda.Hahaha para siyang natagusan."tawa ng tawa si white with dimples
"Pasalamat ka!takot si maam kay Cobi kungdi patay ka kay Tito."sabat naman sa lalaki mataas sa kanilang apat.
"Yeah at madadamay pa kami."sabi naman sa lalaking medyo mataas ang buhok
Nagtawanan naman sila at tumunog naman ang lift hudyat na nasa 3rd floor na kami.
Nang bumukas ang pinto.Naunang lumabas ang apat sa'kin.Buong akala ko ako lang pero pati pala sila.
Medyo nakaramdam ako ng ginhawa ng makalabas na ako.
Narinig ko pa nga ang sinabi nung isang lalaki Sa tambayan muna tayo.I'm sure nandu'n na ang hari.
Napakunot-noo naman ako.
Hari?may hari dito sa RU?
Napabuntonghininga nalang ako sabay tingin sa relo kong pambisig.
Patay!5mins late na pala ako.
Binilisan ko ang lakad sabay tingin sa bawat pinto na madadaanan ko.
Salamat nalang at kunting lakad lang ang ginawa ko at nasa harapan ko na ang room ko.
Ilang buntonghininga muna ang ginawa ko bago kumatok ng tatlong beses saka ko pinihit pabukas ang pinto.
Hiyang-hiya ako ng silang lahat nakatingin sa'kin pati si Prof.
"I'm sorry for being late sir!"sabi ko sabay yuko
"You're Ms.Navaja?"tanong ni Prof kaya napa-angat ako ng tingin sabay tango"Okay since you're new here,pagbibigyan muna kita pero don't be late again."tumango naman ako"Just take your seat.Humanap ka na lang dyan sa mga bakante."
BINABASA MO ANG
"Tame My Wild Heart"by:Cel Cudz❤❤❤
ContoCOBI-----means CO-ld,B-adboy and I-nfluencial youngbusinessman in RU(REYES UNIVERSITY)) Maraming takot sa kanya sa school dahil siya ang hari. Lahat ng lalabag sa kanyang rules ay may kalalagyan kaya laking pasasalamat ni Maureen Navaja na naging bo...