one

84 12 0
                                    

                                  FAVOR

"I'm glad you're here" I smiled at her.

"Pasensya na po Nurse Sharmaine kung ngayon na lang po ulit ako nakadalaw. Naging busy din po kasi ako sa mga part time jobs ko dahil semestral break po namin" ngumiti naman siya sakin.

"It's okay. Napaka sipag mong bata, im sure proud na proud siya sayo and I know she'll understand"

"How is she po?"

"Ganun parin siya, walang pinagbago mula noong huli kang dumalaw dito. You want to see her?" Ngumiti ako sa kaniya habang tumatango. Siguro 3 weeks din akong hindi nakadalaw sa kaniya dito sa rehabilitation center.

Sinundan ko lang si Nurse Sharmaine papunta sa garden. Natatawa pa ako sa mga kwento ni Nurse tungkol sa mga activity na ginawa nila dito noong mga panahong hindi ako naka dalaw, makikita mo sa mga mata ni Nurse Sharmaine na mahal niya ang trabaho niya. Balang araw, magiging isang ganap na doctor din ako. Doctor na mahal ang ginagawa at masayang nakakatulong sa kapwa katulad na lang ni Nurse Sharmaine.

Pagdating namin sa garden ay umalis din si Nurse Sharmaine.

Nakita ko siyang nakaupo sa wheelchair, nakatalikod siya sa'kin. Gusto kong sabihin sa kaniya na namimiss ko na siya, miss na miss na kita mama.

Nung 7 years old ako nadiagnosed si mama na may nervous break down, it is a kind of mental illness. It started when my Dad had an affair with another woman. And because of that na-depressed si mama't hindi niya kinaya, lalo na nung nagdecide si papa na umalis at iwan kami and pinili niya yung ibang babae.

I felt so useless during that time dahil wala akong magawa para mawala yung sakit na nararamdaman niya, kung pwede ko lang kunin yung sakit na nararamdaman niya gagawin ko maging okay lang siya at hindi na sana umabot sa ganito.

After nun hindi ko na siya makausap, palagi siyang tulala at galit, minsan pa ay naririnig ko siyang nagsasalita mag isa. Madalas niya akong nabubugbog physically and emotionally pero para sakin, its fine. Kung yun lang ang paraan para malabas niya lahat ng nararamdaman niya.

Nalaman yun ng lolo at lola ko kaya kinupkop nila ako at pinadala nila si mama dito sa rehabilitation center.

When i was 14 namatay si lola at lolo. Namatay si lola because of heart failure, si lolo naman ay nagkaroon ng diabetes.

"Hi ma" sabi ko sa kaniya habang nakaluhod ako sa harapan niya, hindi niya ako tinignan dahil tulala lang siya.

I kissed her forehead, iniisip ko tuloy kung anong iniisip niya.

"Alam niyo po ma, nadagdagan yung part time jobs ko, diba po nagtutyutor ako tapos nagkaroon pa ulit ako ng dalawa pa pong part time jobs. Nag tatrabaho na po ako sa isang coffee shop pag uwi ko galing school dumidiretso po ako doon, yung isa naman po sa fast food pero tuwing saturday at sunday lang po. At alam niyo po ma nakabili na po ako ng sarili kong apartment dahil sa ipon ko, hindi na po ako kung saan saan matutulog at good news pa po dahil malapit lang yun sa University na pinapasukan ko" natutuwa akong nagkekwento sa kaniya, kahit hindi niya ako tapunan ng tingin o kaya naman ay mag salita ay umaasa parin akong naririnig niya ako.

"Kamusta ka po ma? Miss na po kita, sobra. Sana dumating yung araw na bumalik na yung mama ko 11 years ago, namimiss ko na po kasi yung luto niyo pati po yung pagsisimba natin at marami pa po. Miss na miss na po kita ma, balik kana" I kissed her forehead again. Marami pa akong kinwento sa kaniya.

"Excuse me Rainn, okay na ba? tapos na kasi yung visiting hours namen dito" napatingin ako kay nurse Sharmaine at tumatangong nakangiti sa kaniya.

"Thank you po sa pag alalaga sa kaniya"

THE EVERYTHING AND NOTHINGWhere stories live. Discover now