LUCKY & CHARM
Nagmadali akong pumunta sa harap ng University dahil baka pinagtitripan lang ako ng makulit na epal na yon. Dahil desperada na akong makahanap ulit ng trabaho papatusin ko na 'to. Pumunta ako dito dahil sabi niya tutulungan niya ako, at trabaho ang agad kong hihilingin sa kaniya. Wala naman sigurong mawawala sakin diba? Hindi naman siguro siya masamang tao kase kung masamang tao siya at may planomg gawin sakin edi hindi siya makikipagkita sakin sa public place. Great Rainn, hindi ka lang talaga maganda matalino ka pa!
Pagdating ko sa harap ng University ay wala namang tao, baka talagang pinagtitripan ako ng tao na yun? Naghintay pa ako sandali nang biglang may kotse ang huminto sa harapan ko, isang color white convertible, napaka garang sasakyan. Ilang milyon kaya ang presyo nito?
Nagulat naman ako sa taong naka-upo sa driver seat. Naka shade pa ang peste, pacool siyang bumaba sa kotse niya.
"Ikaw!?" Sigaw ko sa mukha niya, napangiwi naman siya sakin. "Ikaw ang tutulong sakin!? Wag na lang! Uuwi na lang ako!" tumalikod ako sa kaniya, jusko kung alam kong ang pesteng Gideon na yan ang taong nagtetext sakin hindi na sana ako pumunta dito. Ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa mga katulad niyang kutong lupa.
"Wait" bigla naman niyang hinila ang braso ko kaya napaharap ako sa kaniya. I gave him a death glare, pero parang wala lang sa kaniya. "I need your help and you also need my help" mayabang na sabi niya.
"Maghanap ka ng ibang tutulong sayo! At hindi ko kailangan ng tulong mo" sinamaan ko pa siya ng tingin. Tatalikod na sana ako pero napatigil ako dahil sa sunod na sinabi niya.
"You need work, right? I can help you" Kailangan ko ng trabaho, kailangan ko'to para kay Mama.
"At ano namang kapalit ng pagtulong mo sakin?" Nakataas ang kilay na tanong ko.
"Come with me" seryosong sabi niya
"At bakit ako sasama sayo ha!?"
"Daldalhin kita sa pagtatrabahuan mo" lumakad na siya papunta sa driver seat at nanatili naman akong nakatayo. "Gusto mo bang pagbuksan pa kita ng pinto!?" Naiiritang sigaw niya, kaya pumasok ako agad sa kotse niya at pumwesto sa passenger seat, Pabagsak Kong sinara yung pinto ng kotse niya.
"Saan mo pala nakuha ang number ko?" Tanong ko sa kutong lupa na seryosong nagdadrive. Hanep din sa yaman ang peste na'to paiba iba ang sasakyan.
"I have my ways" seryosong sabi niya na hindi manlang tumitingin sakin.
"Stalker kita ano?" Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya at pinanliitan ko siya ng mata. Bigla naman niyang hininto ang napakagara niyang kotse at humarap sakin. Agad naman akong napaatras dahil sobrang lapit ng mukha niya. What the hell?
Ngumisi siya pero napalitan din ng seryosong ekspresyon bago siya nagalita "Stop imagining things lady, You're not my type" Sabi niya bago nag drive ulit, para namang umusok ang ilong ko dahil sa sinabi niya. Sinasabi niya bang panget ako? Ako panget? Ang kapal ng mukha niya! Hindi niya ba alam na anghel ako? Pinag-aagawan ako ng mga gwapong anghel sa langit at pati nga si kupido naagaw ko kay pysche, ganun ako kaganda.
"Ang kapal ng mukha mo, mas hindi kita type. Duh kutong lupa ka kaya, panget ka" iritang sabi ko.
"Mas panget ka" ngumisi pa siya habang sinasabi yon pero sa kalsada parin ang tingin niya. Ano kayang lason ang pwede kong ipalamon sa taong 'to? Yung wala pang 1 second patay agad.
Hindi na lang ako nagsalita dahil baka masakal ko siya ng wala sa oras.
***
"We're here" Bigla naman akong napatingin sa paligid dahil sa sinabing yon ni Gideon. Bumungad samin ang napakalaking gate, kusa itong bumukas. Taray high tech!
YOU ARE READING
THE EVERYTHING AND NOTHING
Ficção AdolescenteA Girl who believes she has to save everyone. A Boy who needed to be saved. What will happen when their paths crossed? |On going & unedited|