four

31 6 1
                                    

ANOTHER TROUBLE

We are now in 21th century and our society change's a lot.

Lahat nagbago. Ang pamumuhay ng mga tao maging ang bawat lugar at paniniwala ay unti-unting nabago ng makabagong henerasyon, Binago at patuloy na nababago.

Ang dating simpleng pamumuhay,

Ang dating paraan ng panliligaw ay tila hindi na nagagamit ngayon.

Ang mga mabulaklak na salitang ginagamit noon napalitan na ng mga balbal na salita
ngayon.

Ang bawat babae noon na nirerespeto at iniingatan, ngayon ay nagagawa ng bastusin.

Ang dati'y mga taong may matataas na estado sa buhay ay siyang nagpapakumbaba ngayon ay kung sino ang nasa taas siyang nang aapak ng kaniyang kapwa.

ang dati'y simpleng usapin ay nanatili na lang bilang usapin, ngayon ay pinapahaba pa ang diskusyon at nag didibate sa kung sino ang magaling.

Ang dating magagandang tanawin o lugar, ngayon ay hindi mo aakalain ganun ang kinahantungan.

ang dating tahimik na pamumuhay unti unting naglaho, mga sakuna ang dumadating dahil sa kagagawan ng mga tao.

ngayon ay kapag pangit ka wala kang karapatang mahalin.

Kapag maganda o gwapo ka mahal ka ng lahat.

Kapag pangit ka hindi ka basta basta tatanggapin sa trabahong gusto mo.

talaga bang itsura na ang batayan ng mga tao?

Kapag hindi ka ganun kagaling sa klase ay bobo kana.

Kapag hindi ka magaling sa math, english o science ay mahina na ang utak mo.

Kapag mahirap ka lang parang hindi ka bagay makisalamuha sa mga taong may kaya sa buhay.

paanong nabago ng nabago ang sistema ng mundo?

Kapag naririnig ko yung 'multo' hindi na ako natatakot dahil mas natatakot na ako sa kapwa ko mga tao at sa mga pwedeng magawa ng mga ito.

people are really hypocrite.

bakit ko ba sinasabi ang mga ito? Napa-isip lang ako kanina nung nag o-observed ako sa paligid ko, i really hate my surroundings a while ago.

Lalo na nung nakita ko yung isang schoolmate kong binubully kasi hindi daw ito mayaman.
Kailangan ba maging mayaman muna tayo para makapag-aral sa ganitong university?

Of Course not, walang nagsabi na mayaman lang ang pwedeng mag aral sa ganitong school. walang nagsabi na kailangang mayaman tayo para mag karoon ng karapatan pumasok dito and lastly walang sino man ang tao ang tatanggalan tayo ng karapatan upang matuto.

Hindi mo kailangan maging katulad nila, hindi kailangan na mayaman kadin dahil mayaman sila.

Katulad sa kaibigan aanhin mo ang madaming kaibigan kung iilan lang dito ang ang totoo.

They said no man is an island but sometimes we dont need other people to feel a genuine happiness. hindi sa lahat ng oras ay didipende tayo sa iba at hindi sa lahat ng oras may aasahan ka, minsan kailangan natin matutong mag isa.

Nandito kasi kami ngayon sa likod ng building ng mga nursing student kung nasaan ang garden. Dito kasi ako dinala ng bwiset na Gideon at Winter na'to. Andito din si samuel, psalm, at matthew. Pero agad naagaw ang atensyon namin dahil biglang may nagkumpulang studyante, may binubully kasi yung isang grupo ng mga brat na babae dito sa University, naawa tuloy ako sa binubully nila. Kasalanan niya bang scholar at mahirap lang siya? Nakakainis.

THE EVERYTHING AND NOTHINGWhere stories live. Discover now