TROUBLE
"Mukha kang constipated" agad ko namang sinamaan ng tingin si Ely dahil sa sinabi niya, imbis na damayan ako sa pag hihirap ko inaasar pa'ko.
"Pero Rainn, pwede mo naman kasing tanggihan yung favor ni Dean" sabat din ni Kaye.
"paano ko naman gagawin yun 'e halos lumuhod na si dean sa harap ko sa kaka-please sakin. Tsaka nakalimutan niyo na ba, may utang na loob ako sa kaniya. Kung hindi dahil sa kaniya baka patay na'ko" Naalala ko tuloy yung gabing niligtas niya ako sa aksidente, siya ang nag dala sakin sa hospital dahil walang gustong tumulong sakin. Kung hindi niya yun ginawa ay baka naubusan na ako ng dugo at namatay na lang.
"Nakukuha namin yung point mo, edi harapin mo na yan. Wala na dapat atrasan yan Rainn" taas baba pa ang kilay ni Ely habang sinasabi niya yun.
"Nakakainis bakit naman kasi apo ng Dean ang isa sa kinaiinisan ko!" pag-rarant ko sa kanila.
"Ayaw mo ba nun, mapapalapit ka sa kanila. And then malalaman mo din yung reason bakit sila ganyan. Sabi nga diba, don't judge the book by its cover"
"Kahit anong personal reason pa yun Kaye, ang hirap tanggapin. Bakit kailangan nilang idamay yung ibang tao sa gulo ng buhay nila? Hindi ba nila naisip na gugulo din yung buhay ng mga taong yun katulad ng nararanasan nila." Naiinis na sabi ko.
"That's the point rainn, gusto nilang iparamdam sa iba yung nararamdaman nila. Kasi siguro kahit sa ganung paraan pakiramdam nila may karamay sila, maybe in that way iniisip nilang hindi lang sila ang miserable ang buhay" Paliwanag ni Ely, aba kelan pa naging deep person'tong babaeng ito.
"Exactly. There's a lot of reason, wala tayong alam sa buhay nila. Yes nakakainis sila dahil sa mga ginagawa nila pero darating yung time na mapapagod din silang gawin yun" Isa din 'tong si Kaye.
"Ah basta kahit ano pang reason yan, black sheep parin sila sa university na'to. Mas mahaba pa nga ata yung listahan ng mga kalokohan nila dito sa school kesa sa san juanico bridge" naiinis paring sabi ko, pero tinawanan lang ako ng dalawa kong kaibigan.
"Whatever rainn" natatawang sabi ni Ely
"Then kelan start niyo?" Kaye asked.
"Bukas"
"Goodluck" sabay na sabi nila, habang ngumingisi. Kahit kelan talaga 'tong dalawang 'to.
Pinaghahampas ko naman silang dalawa dahil frustrated na nga ako, inaasar pa ako.
****
Pag tapos namin mag usap usap ay dumating na ang mga sundo nila. Ako naman ay papunta sa coffe shop na pagmamay-ari nila Ely, kung saan ako nag pa-part time job.
Mabuti na lang talaga at saturday at sunday lang ang pasok ko sa fast food which is yung isa ko pang part time job. At tuwing friday naman ay tinu-tutor ko naman yung anak ng kapitbahay ko sa dati kong apartment.
Nang makarating ako sa coffee shop ay nginitian ako ni thea, sofie, at jay. Pare parehas kaming mga working students, sila din ang kasabayan ko sa night shift. 6:00-9:00 pm kasi kami dito.
Magaan ang loob ko sa kanila kaya naging kaibigan ko na din sila, si thea yung tipo na mahinhin at may pagka nerd. Samantalang si Sofie yung tipo ni Ely na parang pinalunok ng microphone yung bibig sa sobrang ingay. At si jay naman, kung titignan mo sa unang tingin parang anghel na binaba sa lupa, maton na maton ang katawan at napaka gwapo kala mo hindi nadapuan ng alikabok yung balat simula noong bata pa siya dahil mas maganda pa yung balat niya kesa samin ang kaso maton at gwapo din ang gusto.
Pare parehas silang masayang kasama, katrabaho at kaibigan kaya hindi ako nabobored pag nag tatrabaho ako.
Nagbihis na ako ng uniform namin dito sa coffee shop.
YOU ARE READING
THE EVERYTHING AND NOTHING
Teen FictionA Girl who believes she has to save everyone. A Boy who needed to be saved. What will happen when their paths crossed? |On going & unedited|
