FIRED
Habang nagbibihis ay iniisip ko kung sino ba talaga ang nag text sakin. At ang kapal niya namang utusan ang magandang si ako na makipag-kita sa kaniya. Bahala siya malay ko ba baka masamang tao siya.
7:00 am to 12:00 pm ang shift ko kaya maaga akong nagising dahil 6:30 ay umaalis na'ko.
Habang papunta sa trabaho ay hindi parin mawala sa isip ko yung text na yun galing sa hindi ko naman kilala. Ano kaya kung silipin ko lang para naman makilala ko kung sino siya--teka! that's not a good idea, pakealam ko ba kung sino sya. Kung hindi niya ako pinagtitripan edi sana sinabi niya yung pangalan niya.
Nang makarating ako sa fast food na pinagtatrabahuan ko ay sinalubong ako ni Rita at agad kaming kumilos dahil kami din ang magbubukas nitong shop.
***
"Grabeng fast food 'to kelangan talaga bonggang bonggang fast ang galawan!" Reklamo ni Rita na isa sa mga close ko dito.
"Ganun talaga" Natatawang sabi ko sa kaniya.
"At yung mga costumers jusko napaka sarap sakalin" gigil na gigil na sabi niya. Kasalukuyan naman akong naghuhuhas ng mga plato.
"Bakit? Ano bang nangyari?"
"Eh paano yung maarteng babae kanina na akala mo sinampal ng sampung beses 'e kala mo naman kung sinong maganda, paano ba naman ilang beses niya akong pinabalik balik dahil daw hindi masyadong Iuto yung manok tapos pinaprito ko ulit then nung binalik ko nasobrahan naman daw sa luto! Nakakainis talaga ang babaeng yon! At alam mo ba chinachansingan pa ang Ken ko! Nakakagigil ang sarap sagasaan ng ten wheeler truck" gigil na gigil na sabi niya kaya napatawa ako.
"Gusto mo bang banatan na natin?"
"Yes please, gusto ko lang siyang iumpog" inis pa ding sabi nya. "Ako na nga dyan ikaw naman don baka hindi ako makapag timpi at makapatay ako ng costumer" natawa ako ulit dahil sa sinabi nya.
"Ikaw na bahala dyan. Baka basagin mo yang mga plato ha ikaw din, charge yan sayo" nakangisi kong sabi
"Pwede ba Alvarez tantanan mo'ko" Inirapan niya pa ako. Ilang beses na kasi siyang nakakabasag ng plato, nagrereklamo pa siya dahil mas malaki pa daw yung charge kesa sa sahod niya.
Lumabas na ako sa kusina at ginawa ang kaninang ginagawa ni Rita, nag seserve kasi siya kanina. Paglabas ko sa kusina as usual madami pading tao
"Hi Rainn" Bati sakin ni Ken, siya yung crush na crush ni Rita. Paano gwapo naman kasi talaga ang nilalang na'to kaso may pagka gago.
"Problema mo Kenzie?"
"Gusto ko lang mag hi, mainit ba ang ulo niya?" Tanong niya. Syempre si Rita ang tinutukoy niya, ang epal din kasi ng dalawa na yan 'e halata namang may feelings sila sa isat isa mga indenial lang.
"Oo, pwede na ngang umapoy. Puntahan mo dun baka makabasag nanaman ng Plato, bakit naman kasi nagpapa-chansing ka?" Natawa naman siya sa tanong ko.
"I just want to make her jealous, ang cute niya kasi" sabi pa niya
"Ang cocorny niyong dalawa, makapag trabaho na nga lang" inirapan ko pa siya pero tinawanan lang ako.
"Work well Ms. Hindi pa nakakaranas kiligin" bahagya pa siyang tumawa, pero inirapan ko lang siya. Akala niya ba no boyfriend since birth ako? Sa ganda kong 'to.
Nagtrabaho na lang ako kesa mahawa sa ka-cornihan nila Rita at Ken.
"Enjoy your meal ma'am" nakangiti kong sabi sa pinagserve-an kong babae, ngumiti naman ito sakin bago ko siya talikuran. Pinunasan ko naman ang kamay kong natapunan ng ketchup kanina.
YOU ARE READING
THE EVERYTHING AND NOTHING
Teen FictionA Girl who believes she has to save everyone. A Boy who needed to be saved. What will happen when their paths crossed? |On going & unedited|