three

33 7 1
                                        

HERE WE GO

Pagpasok ko sa University ay agad akong dumiretso sa canteen dahil nandoon na sila Ely at Kaye. Balak kasi naming sabay sabay na mag review para sari-sarili naming quiz. Maaga pa naman kaya makakapag review pa kami, buti nga at hindi ako late kung hindi baka batukan na ako nung dalawang yun.

Nang makita ko sila ay agad ko silang tinawag dahilan para mapatingin sila sakin, ngumiti ako sa kanila pero nagtaka ako dahil isang nakakalokong ngisi ang sinukli nila.

"Are you ready?" tanong ni Ely nang makalapit ako sa kanila, tumataas baba pa ang kilay niya na obvious namang nang aasar.

"Ready for what?" takang tanong ko

"Ready kana ba sa impyerno?" natatawang tanong ni Kaye, na-gets ko naman ang sinasabi nila.

"Tigil tigilan nyoko hindi ako natutuwa" naalala ko tuloy yung nangyari kay Gideon at Suzzy kagabi sa coffee shop pero wala akong balak na ikwento yun sa dalawang 'to dahil wala naman akong karapatan ikwento yun at isa pa masyado din siyang personal. Naisip ko tuloy baka nga totoo ang sinasabi ni jay na love triangle yun. At gusto kong sambahin si Suzzy dahil hindi niya pinili ang kupal na Gideon na yun, tama siya ng desisyon sa buhay.

"Mukhang sinusundo ka na nga ni kamatayan rainn" napatingin naman ako kay Ely dahil nagbabasa ako notes ko.

"Ihahampas ko sayo 'tong notebook ko pag hindi ka tumigil" inis na sabi ko pero tinawanan lang ako ng dalawa, abat mabubuting kaibigan.

Nangasar at nangulit pa ang dalawa at hindi ko na lang sila pinansin dahil busy ako magreview. Kahit kasi quiz lang ay sineseryoso ko kasi kailangan kong mamentain ang grade ko mahirap na scholar pa naman ako.

Pagtapos namin mag review ay nagmadali kaming tatlo at tumakbo papunta sa mga rooms namin.

Hinihingal akong napahinto nang tumigil ako sa pinto ng classroom, huminga muna ako ng ilang beses bago pinihit ang doorknob.

"shit" napamura ako ng wala sa oras.

"ops" Nasa harap ko ngayon si Isabelle, alam kong siya nanaman ang may kagagawan nito. Ilang taon niya na saking ginagawa ang ganito pero hindi ko na lang siya pinapatulan. Ngumisi siya sakin pero tinignan ko lang siya na parang wala akong pake kung amoy basura na ako. Pag bukas ko kasi ng pinto ay biglang may nag saboy sakin ng basura, ang baho nga 'e. Nakita ko pang hawak ni Isabelle yung trash can. Tumawa pa ang mga classmate ko. Tumakbo ako paalis, papunta ng shower room para labhan at patuyuin ang uniform ko.

"Kaya mo yan rainn, sanay kana sa ganito diba?" Sabi ko sa sarili ko. Di bale next year naman ay last year na namin kaya makakaalis na ako dito.

Habang tumatakbo ay may napansin ako sa dulo ng hallway sa may bandang kanan, kaya pumunta muna ako doon. Nagtago ako at nakita ang lalaki na nakatalikod sakin, sinusuntok niya yung pader. At bigla siyang humarap sa gawi ko pero nakapikit siya, nakilala ko tuloy kung sino sya, si Gideon. Naalala ko tuloy yung nangyari sa coffee shop.

Aalis na sana ako pero nagulat ako nung minulat niya yung mata niya at nagtama ang paningin namin, kaya tumalikod ako.

"Hoy" tawag niya sakin, nag da dalawang isip pa ako kung haharap ako. Pag harap ko ay tinignan ko pa ang paligid ko kung may iba pa bang tao, mahirap na baka mapahiya.

"A-ako?" Tinuro ko pa ang sarili ko, inirapan naman niya ako at tinignan na parang yun ang pinaka bobong tanong.

"tsk stupid, obvious ba?" Pagsusungit niya. Nag pantig naman ang tenga ko, ano kamo? stupid?! ako stupid!? Tinawag niya ba ang magandang ako ng stupid!? Kapal ng mukha niya. Pero joke lang yung maganda pero yung stupid nakakasira ng pagkatao.

THE EVERYTHING AND NOTHINGWhere stories live. Discover now