nine

26 5 1
                                    

GAMEZONE

I've been busy doing my school works lately, isabay pa yung mga part time jobs ko.

Pagod yung katawan ko pero sa tuwing naiisip ko si mama, nawawala lahat ng pagod ko. Para ko siyang pahinga sa nakakapagod na mundo.

Ininvite din ako ni Suzzy na pumunta sa birthday niya noong wednesday, last week.  Wala naman masiyadong ganap dahil simpleng birthday lang naman ang nangyari at umuwi na rin ako kaagad dahil si Suzzy at mga kutong lupa lang naman ang kilala ko sa party na yon, hindi ko rin nilapitan ang mga kutong lupa dahil hindi naman kami close.

Two weeks ago, i accept the job na inoffer ng mga kutong lupa. Wala naman kasing mawawala sakin kung mag aalaga ako ng mga aso and besides may sahod naman ako.

Every saturday and sunday ang schedule ko sa pagbabantay at pag-aalaga kay Lucky at Charm dahil sa ganung araw din wala si Gideon dahil busy daw silang lima kapag sabado at linggo, hindi ko sila tinanong kung bakit nga ba sila busy sa mga araw na yun dahil wala naman ako sa posisyon para magtanong.

And sa loob ng two weeks, wala masyadong nangyari. The usual routine, pagkatapos ng tatlong subjects ko, igaguide ko naman yung limang kutong lupa para sa mga task nila. After that pupunta ako sa Coffee shop nila Ely para sa shift ko and uuwi sa tinitirhan ko, palagi ko paring nakakausap si Mang Greg tuwing uuwi ako dahil siya ang guard sa village kung saan ako nakatira. Hindi na rin pala ako nagtututor dahil hindi naman na kailangan ni Jer-jer ang tutor.

Sa loob ng dalawang lingggo mas madalas kong nakasama ang mga kutong lupa dahil ako ang naggaguide sa kanila, Tinanggap ko na din na kahit na anong gawin ko maiinvolve at maiinvolve ako sa kanila.

Nageenjoy din akong utos utusan sila everytime na gagawin na nila yung mga task.

Sabado ngayon at kailangan kong pumunta sa bahay ng Gideon na yun and for sure nandoon narin ang apat pang kutong lupa.

Tinext ako ni Gideon kagabi na kailangan kong pumunta ng maaga sa kanila dahil maaga daw silang aalis, kaya kahit inaantok pa ako ay napilitan akong bumangon.

Nakarating ako sa tapat ng napakalaking gate ng Mansion nila Gideon. Binati ako ng mga nagaalaga sa Mansion nila, sanay na silang makita ako dito dahil dalawang linggo narin akong pabalik balik dito.

"Goodmorning Bags!" Pambungad sakin ni Psalm nang makapasok ako sa Mansion. Saglit niya akong sinulyapan para batiin at ibinalik din ang atensyon niya sa cellphone.

Nakaupo silang lima sa sofa at mga bihis na bihis.

"Saan punta niyo?" Napataas ang kilay ko dahil sa mga suot nila, mukha silang pupunta ng js prom.

"Hindi kasali sa trabaho mo ang magtanong" masungit na sagot ni Gideon. Kahit kailan paepal siya.

"Maghahanap ng mga chikababes" sagot ng malanding si Samuel.

"Ang aga aga mo namang pinapairal yang pagkababaero mo" inirapan ko pa siya pero tinawanan niya lang ako.

"Where's Lucky and Charm?" Tanong ko at umupo sa sofa na nasa harap nila.

Bigla namang lumabas si lucky kasunod si charm galing sa library ng Mansion. Agad akong lumapit sa kanila at hinimas himas silang parehas.

Sa loob ng two weeks pakiramdam ko napamahal na ako sa mga asong 'to, ilang beses pa akong nagsorry sa kanila dahil tinawag ko silang halimaw noong una ko silang makita.

"Gusto ka na agad nila.." umiiling na sabi ni Winter "..ang unfair" dugtong niya pa.

"What do you mean? Ayaw ba nila sayo?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE EVERYTHING AND NOTHINGWhere stories live. Discover now