BAR OF KINGS"Thank you hija at ingat ka sa pag-uwi" nakangiting bilin sakin ni Ms. Esquivel, siya yung Mommy ng batang tinu-tutor ko.
"You're always welcome po, bye jer-jer" ngumiti pa ako sa pilyo at masungit na batang tinu-tutor ko. Kung tutuusin hindi naman niya kailangan ng tutor dahil mabilis siyang matuto, sigurado akong kayang kaya niyang matuto ng maraming bagay ng walang tulong ng iba.
"bye bye ate rainn" sinabi niya yun habang bored na kumakaway, ni hindi manlang ngumiti. Sa loob ng isang buwan sobrang napalapit na ako sa batang 'to kahit palaging may dalaw ay tinatawanan ko na lang siya, para ko na siyang bunsong kapatid. Pati narin si Ms. Esquivel or should I call her tita Marissa, close na close ko siya at para ko na ring nanay dahil almost 3 months din nila akong kapitbahay. Ngumiti pa ako sa kanila bago tuluyang umalis.
Inaantok akong nakatayo sa waiting shed dahil nag aabang ako ng bus. Hindi rin nag tagal ay may bus na huminto at agad akong sumakay dito. Umupo ako sa may bandang dulo malapit sa bintana, kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung may text galing sa mga bruha kong kaibigan pero walang text galing sa kanila kaya tinago ko na lang ulit. Napatitig ako sa bintana at pinagmasdan ang paligid na nadadaanan ng bus, Namimiss ko na siya.
"I miss you Mom" sabi ko sa sarili ko. hindi bale dadalawin ko naman siya sa sunday pag-uwi ko galing sa trabaho, doon sa fast food na pinag-tatrabahuan ko. Naramdaman ko namang may biglang umupo sa tabi ko pero hindi ko pinansin dahil busy at nageenjoy akong tignan kung gaano kaganda yung gabi. Bigla namang bumigat yung talukap ng mata ko hanggang sa hindi ko na alam na nakatulog na pala ako.
***
"Miss"
"Miss"
Naramdaman ko na parang may nakahawak sa balikat ko, kaninong boses ba yun? Napaka-ingay kitang natutulog yung tao!
"Miss"
"Ano ba yun ha!?" Medyo napalakas ang boses ko
"Sorry for disturbing you, kailangan kasi kitang gisingin kasi bababa na ako kaso naka higa ka dito sa balikat ko" tinuro niya pa yung balikat niya. Bigla naman akong nahiya dahil sa pag sigaw ko sa kaniya at pag tulog ko sa balikat niya.
"A-ah E-eh hehe S-sorry A-ahm thankyou?" Hindi pa ako sigurado sa sasabihin ko kaya thankyou na lang ang nasabi ko, tumawa naman siya ng mahina.
"Next time wag kang matulog sa bus kasi nakakatakot ka pag ginising, baka kung iba yun sinapak ka na" sabi niya habang natatawa, I awkwardly smiled.
"S-sorry talaga" nahihiya talaga ako, parang gusto kong tumalon dito sa bus.
"Its okay" sabi niya habang nakangiti at kumaway pa tsaka bumaba. Buti na lang mabait si kuya at gwapo! Sayang at hindi ko naitanong ang pangalan niya, ay teka! Kelan pa ako nagka-interes sa mga lalaki hmpk.
Nang mapansin kong malapit na rin sa gate ng village namin kung saan ako nakatira ang bus na sinasakyan ko ay hindi na ako natulog ulit dahil baka nga magka-totoo yung sinabi ni Kuya at magka-black eye ako ng wala sa oras. Nang huminto na ang bus ay bumaba na din ako at naglakad papasok sa village.
Nang makarating ako sa apartment ay nagbihis agad ako at kumain. Hindi ako tinamad magluto ngayon kaya nag luto ako ng sinigang. May mga stuck din kasi akong pagkain para naman in case of emergency na may bisita ay hindi ko na kailangan lumabas at pumunta ng mall para mamili, mabuti sana kung may malapit na palengke dito 'e kaso wala.
Nang matapos ako kumain ay ginawa ko na ang every night routine ko at binuksan ang tv upang manuod ng news. Bihira lang naman kasi ako manuod ng mga movie or any kind of drama, i prefer books. Masaya yung binabasa kasi ikaw mismo yung mag iimagine ng mga scene sa libro na binabasa mo. Nakakatuwa kasi you can be able to expand your imagination na isa sa dahilan kung bakit may mga taong creative.
YOU ARE READING
THE EVERYTHING AND NOTHING
Novela JuvenilA Girl who believes she has to save everyone. A Boy who needed to be saved. What will happen when their paths crossed? |On going & unedited|